TULA Flashcards
isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
Tula
Malayang taludturan, tradisyunal, may sukat na may tugma at, may sukat na walang tugma
Anyo ng tula
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.
kariktan
tumutukoy sa nagsasalita sa tula
persona
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
saknong
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
sukat
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
talinhaga
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
Tono o indayog
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
tugma
Kilala bilang “Prince of Tagalog Poets” ang kanyang mga tula ay puno ng romantikong tema at makabayang damdamin. (Florante at Laura)
Fransisco Balagtas
Isang pambansang bayani at makata, kilala sa kanyang mga tula na naglalaman ng temang
nasyonalismo, pag-ibig sa bansa, at paghahangad ng reporma.
Jose Rizal
Isang National Artist for Literature, ang kanyang mga tula ay naglalaman ng temang pambansa at
kultural, na madalas na gumagamit ng mitolohiya at kasaysayan.
(The trilogy of saint lazarus, Bitter herbs)
Cirilo F. Bautista
Isang National Artist for Literature, kilala sa kanyang pag-akda sa tula na naglalaman ng
temang makabayan at mga paksa ng kulturang Pilipino.
(Liham ng maghapon, Sa ulan ng mga salita)
Virgilio S. Almario