SANAYSAY Flashcards
Ang ________ ay isang anyo ng panitikan na naglalahad ng kuro-kuro o opinyon ng may akda ukol sa isang paksa.
sanaysay
sanaysay na naglalahad ng paksa sa paraang maayos at bunga ng maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at kaisipan. Kung minsan, tinatawag din itong
Pormal
sanaysay na ginagamit ng estilong sumasalamin sa personalidad ng may katha. Kaya nga, kung minsan tinatawag din itong personal na sanaysay. Madalas na ang tono ng sanaysay na ito ay tila nakikipag-usap o kaya ay naglalarawan ng pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay. Naglalahad din ito ng personal na haka-haka ng may akda.
Inpormal
ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat.
DEBATE O PAGTATALO
ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli.
Debateng Oxford
ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan.
Debateng Cambridge
isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag-roleplay.
Mock trial
isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago magsimula ang debate.
Impromptu
ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.
Turncoat debate
ayon kay Crizel Sicat De Laza sa kaniyang aklat na Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t i bang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ay pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng sa opinyon ko, para sa akin, gusto ko, o sa tingin ko.
Pananaw o Opinyon