Tula Flashcards
isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan
Tula
ito ay ang pagkakatulad ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa bawat saknong ng isang tula.
Tugma
kapag magkakaparaeho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod
Tugmang ganap
kapag magkakapareho lang ang tunog ng huling salita sa bawat taludtod
Tugmang di-ganap
ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong
Sukat
tumutukoy ito sa paggamit ng
matatalinghagang salita at tayutay. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan
ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Talinghaga
ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
Saknong
Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
Simbolismo
ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito. Lalabindalawahing pantig, tugmang ganap at tayutay
Kariktan
lalabindalawahing pantig, tugmang ganap at tayutay
Kariktan
ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan at ang buong istorya ay nasusulat sa may sukat na taludtod.
Tulang Pasalaysay
tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.
Tulang Padula
ay lirikong tula na may istilong nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga salita, pasulat o pasalita. Isang awit na sinasaliwan ng himig/tuno.
Tulang Liriko/Damdamin
ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Ito ay may 14 na taludtod.
Soneto
ito ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
Awit/Korido