Talumpati/Extemporaneos Flashcards
‘Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan”
Pang. Benigno”Noynoy” Aquino III, Inagurasyong Talumpati,
2010
Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, paikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. May paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang- alang din ang tagapakinig o bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa.
Talumpati
ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na isinulat at binibigkas sa mga manonood. Naglalayon itong makahikayat o mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang partikular na paksa.
Talumpati
Mga layunin ng talumpati?
a. magturo b. magpabatid
c. manghikayat d. manlibang
e. pumuri f. pumuna
g. bumatikos
inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin angatensiyon ng madla.
Pambungad
nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
Katawan
ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad angpinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mgatao ayon sa layunin ng talumpati.
Katapusan
Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis, Nuncio, Javillo 2008).
DAGLI o IMPROMPTU
Sa uri ng talumpati na ito, ang mananalumpati ay may panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
MALUWAG O EXTEMPORANEOUS
Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati
ISINAULONG TALUMPATI-
Uri ng talumpati na lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento , at inaasahang naensayo na ang pagbigkas.
PAGBASA NG PAPEL SA KUMPERENSIYA
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.
Talumpating Maisusulat Pa
Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng talumpati, linawin ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang.
Talumpating hindi maisusulat
Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito.
PAGPAPANITILI NG KAWILIHAN NG TAGAPAKINIG
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding emosyon, batay sa kanyang paksa, na siyang pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
PAGPAPANATILI NG KASUKDULAN