Timog Asya Flashcards
Nagtatag ng organisadong pamumuhay at naging malakas na impluwensiya sa Timog Asya
Aryan
Katutubong grupo na pinanggalingan ng mga Harrapan; napasailalim sa kapangyarihan ng Aryan.
Dravidian
Sistema ng pagsulat na napaunlad ng mga Aryan sa paglipas ng panahon at ginamit sa pagtala ng Vedas.
Sanskrit
Isa sa pinakamahalagang aklat ng mga Aryan, naglalaman ng sinaunang impormasyon tungkol sa pamumuhay sa India at ang buhay ng mga tao sa Timog Asya.
Vedas
Sa kasaysayan ng India, ito ang mga pangyayari at tradisyong nakapaloob sa Vedas.
Panahong Vedic
Relihiyong humuhubog sa pamumuhay ng mga Aryan at mga katutubo ng sinaunang India.
Hinduism
Pagpangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu; may takdang gawain ang bawat isang grupo.
Sistemang Caste
Pari- pinangungunahan ang mga ritwal at seremonyang panrehiliyon.
Brahmin
Mandirigma- ipinagtatanggol at pinangangalagaan ang kapakananvng lipunang Hindu.
Kshatriya
Mangangalakal- nakikilahok sa kalakalan at komersiyo.
Vaishya
Manggagawa- malaking bahagi ng populasyon ng lipunang Hindu
Shudra
Grupong untouchable; hindi kabilang sa anumang caste; hindi pinapayagang makisalamuha sa mga kasapi ng caste; marurumi at mababahong uri ng gawain ang tinakdang tungkulin.
Dalit
Umusbong sa hilagang India noong 600 BCE; katunggali ng Hinduism; nakasandig sa mga aral at katuruan ni Siddharta Gautama (Buddha) tulad ng Four Noble Truths at Eight-Fold Path.
Buddhism
Kaligayahang walang hanggan, makakamit ng tao ayon kay Buddha sa isang buong buhay lamang; hindi na kailangang dumaan ang tao sa reinkarnasyon (muling pagsilang).
Nirvana
Ang mga katuruan niya ang nakasandig ang Buddhism.
Siddharta Gautama (Buddha)