Kanlurang Asya Flashcards
Kauna-unahang imperyong nabuo sa daigdig.
Imperyong Akkadian
Itinatag ang unang imperyo nang pinag-isa ang mga lungsod-estado ng Sumer.
Haring Sargon
Nabuo itong ikalawang imperyo nang sinakop ang Sumer at Akkad ng hari ng isang bagong lungsod-estadong umunlad at naging makapangyarihan sa buong Mesopotamia
Imperyong Babylonian
Haring Amorite na nagmula sa Syria na bumuo ng ikalawang imperyo sa Mesopotamia.
Hammurabi
Pinakatanyag sa lahat ng pinuno sa grupong ito dahil naging isang malakas na imperyo sa panahon niya sa Babylonian.
Hammurabi
Ano-ano ang mga lungsod-estado ng Sumer?
Kish Ur Larak Nippur Lagash
Ano-ano ang mga imperyo ng Mesopotamia?
Akkad (Imperyong Akkadian)
Babylon (Imperyong Babylonian)
Assyria (Imperyong Assyrian)
Chaldea (Imperyong Chaldean)
Pangunahing diyos ng Babylon na pinagawan ng hari ng malaking ziggurat.
Marduk
Pinakadakila sa lahat ng mga nagawa ng unang hari ng Babylon.
Sistematikong pagpapatupad ng mga batas
Koleksyon ng mga batas (mahigit 200) na nakabatay ang ilan sa mga prinsipiyong “mata para sa mata” at nakasulat sa pabilog na posteng bato na natagpuan noong 1901 ng mga arkeologo sa Iran.
Code Of Hammurabi
Tawag sa panahon ng pamamahal ni Hammurabi dahil sa maraming magaganda niyang nagawa para sa imperyo.
Ginuntuang Panahon ng Babylon
Ikatlong imperyo mula sa Mesopotamia na binuo mula sa marahas at malupit na pakikidigma at pananakop ng Fertile Crescent hanggang Egypt.
Imperyong Assyrian
Namahala mula dakong 911 hanggang 891 B.C.E. at sa kanyang pagkakaluklok bilang hari ay naging makapangyarihan ang Imperyong Assyrian.
Adad-Nirari ||
Isinailalim niya sa Assyria ang Syria at Armenia at pinag-isa ang Babylon at Assyria.
Tiglath Pileser |||
Malupit na sinakop ang 89 na lungsod at 820 na pamayanan; ipinasunog ang Babylon at iniutos na paslangin ang mga naninirahan dito.
Sennacherib
Punong lungsod o kabisera ng Assyria.
Nineveh
Ilan batas ang nakasulat sa Code of Hammurabi?
Mahigit 200
Kinilala bilang isa sa mga dakilang pinuno ng sinaunang kasaysayan. Mahusay niyang pinamahalaan ang Assyria.
Ashurbanipal
May koleksiyon ng mahigit 25,000 clay tablet at nagpatayo ng unang aklatan.
Ashurbanipal
Dito nakalagay ang koleksiyon ng mahigit 25,000 clay tablet tungkol sa mga pinuno, mahahalagang pangyayari at iba pang paglalarawan tungkol sa panumuhay ng mga tao sa Mesopotamia.
Unang aklatan
Ikaapat na imperyo at tinagurian bilang “Ikalawang Imperyong Babylonian” o “Imperyong Neo-Babylonian” ng Mesopotamia dahil muling binuhay ang imperyo mula sa Babylonia.
Imperyong Chaldean
Iba pang tawag sa Imperyong Chaldean
Ikalawang Imperyong Babylonian
Imperyong Neo-Babylonian
Haring bumuo ng Imperyong Chaldean na inihayag ang indepensya ng Babylonia bago pa man magapi ang mga Assyria at hinangad na maging makapangyarihan ang imperyo.
Nabopolassar
Pinakadakilang haring Chaldean at pinalawak ang Chaldea hanggang sa dulong kanluran ng Syria at ng Canaan. Siya ang sumakop sa Jerusalem.
Nebuchadnezzar
Tawag sa pangyayari ng pagtataboy sa libo-libong Jew mula sa Jerusalem patungong Babylon bilang mga alipin.
Babylonian Captivity
Sentro ng kalakalan at nilagyan ng nga pader na umaabot sa 300 talampakan at may kapal na 80 talampakan.
Babylon
Pinakamaranyang pader na may kulay na asul at napapalamutian ng mga guhit na toro at dragon.
Ishtar Gate
Haring persian, sa pamumuno niya nasakop ang lungsod ng Babylon at winakasan ang makasaysayang kabihasnan ng Mesopotamia.
Haring Cyrus the Great