TIMELINE NG WIKANG PAMBANSA Flashcards
Ano ang nangyari noong 1934?
Nagkaroon ng Kumbensyong Konstitusyonal, kung saan isa sa mainitang tinalakay at pinagtalunan ang pagpili ng wikang pagbabatayan ng wikang pambansa.
Anong taon nangyari ang pagkaroon ng Kumbensyong Konstitusyonal, kung saan isa sa mainitang tinalakay at pinagtalunan ang pagpili ng wikang pagbabatayan ng wikang pambansa?
1934
Ano ang nangyari noong 1935?
Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa, “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang syang mananatiling opisyal na wika.”
(Seksyon 3, Artikulo XIV), isinulong ni Pangulong Manuel L. Quezon.
Kailan nangyari sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang pagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa?
+ “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang syang mananatiling opisyal na wika.”
(Seksyon 3, Artikulo XIV), isinulong ni Pangulong Manuel L. Quezon.
1935
Ano ang nakapaloob sa Seksyon 3, Artikulo XIV?
“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang syang mananatiling opisyal na wika.”
Sino ang nagsulong ng Seksyon 3, Artikulo XIV?
Pangulong Manuel L. Quezon
Ano ang nangyari noong Disyembre 30, 1937?
Iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalong upang maging batayan ng Wikang Pambansa, base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.
Kailan iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa?
+Ito ay base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Disyembre 30, 1937
Ano ang nangyari noong 1940?
Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
Kailan sinimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado?
1940
Ano ang nangyari noong Hulyo 4, 1946?
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas, ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
Kailan ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, kasabay ng pagpapahayag na ang wikang opisyal ay Tagalog at Ingles?
Hulyo 4, 1946
Ano ang binigyang bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570?
Ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles.
Ano ang nangyari noong Agosto 13, 1959?
Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romeo, ang kalihim ng Edukasyon noon.
Kailan pinalitan ang wikang pambansang Tagalog bilang Pilipino?
Agosto 13, 1959
Ano ang binigyang bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7?
Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino.
Sino ang nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7?
Kalihim ng Edukasyon, Jose E. Romeo.
Ano ang nangyari noong 1972?
Nagkaroon muli ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyonal kaugnay ng usaping pangwika.
Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika ng sa Saligang Batas ng 1973, “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlas at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
(Artikulo XV, Seksyon 3, Blg. 2)
Ano ang nakasaad sa Artikulo XV, Seksyon 3, Blg. 2?
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlas at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
Ano ang nangyari noong 1987?
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinatibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa silag sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
(Artikulo XIV, Seksyon 6)
Sinong pangulo ang nagbuo ng Komisyong Konstitusyonal na nagpatibay sa Saligang Batas 1987?
Pangulong Cory Aquino
Ano ang nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6?
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa silag sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”