PILIPINOLOHIYA Flashcards
Ito ang sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan.
Pilipinolohiya
Ito ang pagkilala bilang araling panlarangan o area/studies at tinitignan ang bansang Pilipinas bilang isang larang lamang ng unibersal.
Philippine Study
Sa panahong ito, ipinakita ng mga Pilipinong iskolar ang kakayahang sumalungat sa agos ng kanluraning oryentasyon sa akademya.
Dekada 60-70
Ito ang dalawang tunguhin ng pagdadalumat.
Indihenisasyon mula sa loob
Indihenisasyon mula sa labas
Ito ang indihenisasyon gamit ang sariling kultura.
Indihenisasyon mula sa loob
Ito ang indihenisasyon na nag-aangkin ng mga konsepto mula sa banyaga.
Indihenisasyon mula sa labas
Ito ang tatlong larangan ng sistematikong pag-aaral ng kapilipinuhan.
Kaisipan
Kultura
Lipunan ng Pilipino
Siya ang Ama ng Pantayong Pananaw
Zeus A. Salazar
Ito ang pakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan.
Pantayong Pananaw
Patungo sa labas o banyaga ang pagpapaliwanag. Ang pagpapaliwanag dito ay tungkol sa sariling kalinangan-at-lipunan.
Pangkaming Pananaw
Nang dumating ang mga Amerikano inatupag naman ng mga Ilustrado ay ang ipakita sa bagong banyaga na ang Pilipino ay pwedeng-pwede maging doktor, abogado, inhinyero, at iba pa.
Pangkaming Pananaw sa Kasalukuyan
Ito ang pagtukoy sa iba at hindi sa kapwa.
Pangsilang Pananaw
Bago makaugnay ang mga dayuhang Espanyol noong ika-16 na dantaon wala pang isang Pantayong Pananaw sa buong arkipelago, wala pa ring nasyong Pilipino.
Pangtayong Pananaw sa Kasaysayan
Siya ang nagsabi na, “Kayong mga Indio ay walang sibilisasyon, barbaro, pagaya-gaya, walang utang-na-loob, soberbio, angkop lamang sa pamamastol ng kalabaw.”
Fray Gaspar de San Agustin
Ito ay tumutukoy sa isang pangkalahatang kultura ng isang bayan o bansa. Tumutukoy rin ito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga mamamayan o mga tao. Mayroon itong kaugnayan sa mga nakagawiang gawain upang makapagpatuloy sa pang araw-araw na pamumuhay.
Kalinangang Bayan