TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA Flashcards
SIYENTIPIKONG PAG-AARAL NG IBA’T IBANG PANINIWALA NG MGA BAGAY-BAGAY NA MGAY BATAYAN SUBALIT HINDI PA LUBUSANG NAPAPATUNAYAN.
TEORYA
GINAGAYA NILA ANG TUNOG NA NILILIKHA NG MGA HAYOP GAYA NG TAHOL NG ASO, TILAOK NG MANOK, NGIYAW NG PUSA AT HUNI NG IBON. GINAGAYA RIN NG TAO ANG IBA PANG TUNOG NG KALIKASAN GAYA NG IHIP NG HANGIN, PATAK NG ULAN AT LANGITNGIT NG KAWAYAN.
TEORYANG BOW - WOW
MAY SARILING TUNOG NA KUMAKATAWAN SA LAHAT NG BAGAY SA KAPALIGIRAN. TINATAWAG DIN ITO NI MAX MULLER NA SIMBOLISMO NG TUNOG.
HALIMBAWA: TSUG TSUG NG TREN, TIKTAK NG ORASAN.
TEORYANG DING-DONG
NAKALIKHA NG TUNOG SANHI NG BUGSO O DAMDAMIN. GAMIT ANG BIBIG, NAPABUBULALAS ANG MGA TUNOG NG PAGDAING NA DALA NG SAKIT, TAKOT, GALIT, SAYA AT PAGKAGULAT.
TEORYANG POOH-POOH
ANG WIKA NG TAO AY NAG-UGAT SA MGA TUNOG NA KANILANG NILIKHA SA MGA RITWAL NA KALAUNA’Y NAGPAPABAGO AT NILAPATAN NG IBA’T IBANG KAHULUGAN.
HALIMBAWA: PAGSAYAW, PAGSIGAW, AT MGA BULONG NA GINAGAWA TUWING MAKIKIDIGMA, PAGTATANIM AT IBA PA.
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM DE AY
IMINUMUNGKAHI NG LINGGWISTIANG SI “JEPERSON” NA ANG WIKA AY NAGMULA SA PAGLALARO, PAGBULONG SA SARILI, PANLILIGAW AT IBA PANG MGA BULALAS-EMOSYONAL. IMINUNGKAHI PA NIYA NA TALIWAS SA IBA PANG TEORYA, ANG MGA UNANG SALITA AY SADYANG MAHAHABA AT MUSIKAL, AT HINDI MAIIKLING BULALAS NA PINANINIWALAAN NG MARAMI.
TEORYANG SING-SONG
TEORYANG NAHALAW MULA SA BANAL NA KASULATAN. NOONG PANAHONG IYON, IISA LAMANG ANG WIKANG SINASALITA NG MGA TAO, NGUNIT LABIS NA TAAS NG TORE, ITO’Y HALOS UMABOT NA SA LANGIT. HINDI ITO NAIBIGAN NG DIYOS DAHIL NAKKITA NIYANG NAGIGING PALALO AT MAPAGHANGAD ANG KANYANG MGA NILIKHA. KAYA WINASAK NIYA ANG TORE AT BINIGYAN NG IBA’T IBANG WIKA ANG MGA TAO UPANG SILA AY HINDI MAGKAUNAWAAN.
TORE NG BABEL (BIBLICAL) GENESIS 11: 1-9
PINANINIWALAAN NG LINGGWISTANG SI “DIAMOND (2003)” NA ANG TAO AY NATUTONG MAGSALITA BUNGA NG PWERSANG PANGKATAWAN O PWERSANG PISIKAL.
HALIMBAWA: KAPAG NAGBUBUHAT O NAGTUTULAK NG MABIGAT NA BAGAY O NANGANGANAK.
TEORYANG YO-HE-HO
AYON SA TEORYANG ITO, ANG KUMPAS O GALAW NG KAMAY NG TAO NA KANYANG GINAGAWA SA BAWAT PARTIKULAR NA OKASYON AY GINAYA NG DILA AT NAGING SANHI NG PAGKATUTO NG TAONG LUMIKHA NG TUNOG AT KALAUNA’Y NAGSALITA. TINATAWAG ITONG TA - TA NA SA WIKANG PRANSES AY NANGANGAHULUGANG PAALAM O GOODBYE SAPAGKAT KAPAG ANG ISANG TAO NGA NAMING
NAGPAPAALAM AY KUMAKAMPAY ANG KAMAY NANG PABABA AT PATAAS KATULAD NG PAGBABA AT PAGTAAS NG GALAW NG DILA KAPAG BINIBIGKAS ANG SALITANG TA - TA.
TEORYANG TA - TA