GAMIT O TUNKULIN NG WIKA Flashcards
AYON KAY “___ ___ ___ ___” NABUO NIYA ANG IBA’T IBANG TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA BATAY SA IBA’T IBANG YUGTO NG PAGKAKAGAMIT NG WIKA. NAPANSIN NIYA ANG ISANG BATA AY AY HAKBANG - HAKBANG NA YUGTO NG KAKAYAHAN SA PAGGAMIT NG WIKA SAMANTALANG ANG NAKATATANDA AY MAY KAKAYAHAN NANG ILAPAT ANG MARAMING TUNGKULIN NA ITO.
MICHAEL ALEXANDER KIRKWOOD HALLIDAY
GINAGAMIT ANG WIKA NG TAGAPAGSALITA SA PAKIKIPAG - UGNAYAN NITO SA KAPWA UPANG MAKAMIT NIYA ANG KANIYANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN O MGA NAIS MANGYARI. MADALAS NA GINAGAMIT ANG SALITANG “GUSTO KO” UPANG MAGPAHAYAG NG PANGANGAILANGAN NARARAMDAMAN AT INIISIP.
INSTRUMENTAL
> ISA SA MAHAHALAGANG GAMIT NG WIKA ANG MAGKONTROL NG TAO.
PUMAPASOK DITO ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA SA PAGTATAKDA NG MGA PATAKARAN, MAKAPANGHIKAYAT NA UMAYON SA LAYUNIN AT MANG - UTOS.
MADALAS NA INILALARAWAN ITO GAMIT ANG SALITANG “GAWIN MO KUNG ANO ANG SINABI KO.”
NAKOKONTROL DIN NG MGA KOMERSYAL O PATALASTAS ANG PAG - IISIP NG MGA MAMIMILI SA PAMAMAGITAN NG MGA TAGLINE UPAN SILA AY MAIIMPLUWENSYAHAN AT MAHIKAYAT NA BUMILI AT GUMAMIT NG PODUCKTONG KANILANG BINEBENTA.
REGULATORI
> SA PAGTIYAK NA TAMA ANG MGA IMPORMASYONG NABABASA AT NARIRINIG, MAHALAGA ANG PAGTATANONG SA KORTE PANANALIKSIK, INTERBYU AT PAGSASAGAWA NG IMBESTIGASYON NG PULISYA.
ISA SA GINAGAMPANAN NG WIKA AY ANG MATULUNGAN ANG TAO NA HUMANAP NG KARUNUNGAN AT KAALAMAN.
HEURISTIKO
> GINAGAMIT ANG INTERAKSYUNAL UPANG MAPANATILI ANG MAAYOS NA RELAYSON SA MGA KAIBIGAN, PAMILYA, KATRABAHO AT IBA PA.
MAHALAGA ANG PAGGAMIT NG MGA SALITA TULAD NG “KAMUSTA KA” AT “MAHAL KITA.”
NAKATUTULONG DIN ANG MGA DI-BERBAL NA PAHIWATIG TULAD NG PAG - AKBAY, PAKIKIPAGKAMAY AT PAGYAKAP.
INTERAKSYUNAL
> PERSONAL ANG GAMIT NG WIKA KUNG NAIPAPAHAYAG NG TAO ANG KANYAN SARILI, DAMDAMIN, OPINYON AT PERSONALIDAD.
> ANG PAGGAMIT NG “AKO AY” AT “PARA SA AKIN” AY NAGPAPAHIWATIG NG GANITONG GAMIT NG WIKA.
PERSONAL
ANG TAO AY NAKABUBUO NG SARILI NIYANG SENARYO AT IMAHINASYON SA TULONG NG MAPAGLARONG PAGGAMIT NG WIKA.
IMAHINATIBO