Tekstong Prosidyural Flashcards
Taglay nito ang makapaghatid ng sunod-sunod at metodolohikal na mga hakbang na may basehan o siyentipikong sistema o panuntunan
Tekstong Prosidyural
Layunin ng ganitong teksto na gabayan ang bumabasa upang makamit ang isang awtput o matagumpay na magawa ang isang aktibidad sa pamamagitan ng magkakasunod na impormasyon o panuto
Tekstong Prosidyural
Mahalaga sa isang tekstong prosidyural ang magkaroon ng sistematiko o metodikal na hakbang na susundin ng bumabasa
Sistematiko at Metodikal ang Pagkakalahad
Upang mabisang masunod ang mga hakbang, mahalagang malinaw ang pagkakapahayag ng bawat panuto. Ito lamang ang paraan upang maunawaan ng bumabasa ang bawat hakbang
May malinaw na instruksiyon o panuto
Dapat na malinaw sa isang hakbang ang layunin o inaasahang awtput. Kung malabo ang gustong mangyari, hindi magiging matagumpay ang kalalabasan.
May malinaw na target na awtput
Sa pagsulat ng ganitong teksto, kailangang alam ng nagsusulat ang nais niyang mabuo kapag sinunod ang mga hakbang na kaniyang inihanda
Tekstong prosidyural
Ang pagsunod sa ____ ay nakatutulong sa mas organisadong pagsasagawa ng isang gawain
Panuto
Ilang katangian ng Tekstong Prosidyural
- Sistematiko at Metodikal ang Pagkakalahad
- May malinaw na instruksiyon o panuto
- May malinaw na target na awtput