Pagsasalin Flashcards
Ay isang paraan ng pagsulat kung saan isinusulat muli ang teksto sa ibang wika batay sa gagamitin ng tagasalin sublat hindi nawawala ang diwa ng orihinal nito
Pagsasalin
Kadalasan, ang mga akdang nakasulat sa ____ ay naisasalin sa Filipino sapagkat ang wikang ito ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Pilipino
Ingles
Itinuturing na pangalawang wika ng mga Pilipino
Ingles
Mahalaga ito upang makaabot sa iba pang panig ng daigdig ang mga akda mula sa iba’t ibang lugar. Sa ganitong pagkakataon ay nawawala ang balakid ng pagkakaiba-iba ng wika sa pagkakaunawaang global
Pagsasalin
nangangahulugang “to change from one language into another; to put into different words” (palitan ang wika tungo sa ibang wika; ilahad sa ibang pananalita)
Translate
To give sense or meaning of in another language (ibigay ang diwa o kahulugan sa ibang wika)
translate
Ayon kina Eugene Nida at Charles Taber (1969), ito ay ang muling paglalahad sa target na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe sa orihinal na wika, una’y batay sa kahulugan at ikalawa’y batay sa estilo
Pagsasaling-wika
Ayon sa kanila, ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa target na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng orihinal na wika
Eugene Nida at Charles Taber (1969)
Sinasabing kaluluwa ng isang bansa. Ito ang isa sa mga konkretong patunay sa taglay na identidad ng bansa
Wika
Bukod sa wika, ito ay isa sa mga nabubuong pagpapakahulugan sa proseso ng pagsasalin.
Kultura
May sapat na ____ dapat ang inilaan sa sarili kapag magsasagawa ng isang pagsasalin. Kagaya ng nabanggit, hindi biro ang magsalin. Hindi dapat ito itinuturing bilang isang ordinaryo lamang na ehersisyo ng tumbasan.
Panahon
Isang bagay na hindi maipagkakaila na magagamit sa proseso ng pagsasalin ang paggamit ng ____ partikular na ang panggamit ng diksyonaryo
Sanggunian
Maaari kang gumamit ng monolingual o bilingual na _____ depende sa iyong pangangailangan
Diksyonaryo
Maaari kang gumamit ng _____ o _____ na diksyonaryo
monolingual o bilingual
Mga bagay na dapat isaalang-alang sa proseso ng pagsasalin
- Wika
- Kultura
- Panahon
- Sanggunian