Tekstong Persweysib Flashcards
Layuning ng ___________ ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
Tekstong Persweysib
Isinusulat ang ____________ upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ay siyang tama.
Tekstong Persweysib
Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Tekstong Persweysib
Layunin dito ng may-akda na maglahad ng isang paksa na kayang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang tanggapin, makumbinsi at mapaniwala ang mambabasa.
Tekstong Persweysib
Ang tekstong ito ay may pagkasubhetibo dahil ang tuon ng paksa ay sariling paniniwala ng may-akda na lohikal na ipinaliwanag.
Tekstong Persweysib
Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay maaaring:
Nangangaral
Naghahamon
Nambabatikos
Nalulungkot
Nag-uuyam
Nagagalit
Nasisiyahan
Nagpaparinig
Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mga produkto ng politika.
Name Calling
Magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Glittering Generalities
Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat ang isang produkto o tao ang kasikatan.
Transfer
Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
Testimonial
Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Plain Folks
Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Card Stacking
Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Bandwagon
Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
Ethos
Ang kaniyang sariling paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali at ideolohiya sa kaniyang paksang isinusulat ay maimpluwensya ng kaniyang karakter
Ethos