Tekstong Naratibo Flashcards
Ito ay ang pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Tekstong Naratibo
Layunin nitong magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nito sa pangkalahatan na manlibang o magbigay-aliw sa mambabasa.
Tekstong Naratibo
nobela, maikling kuwento, tula
piksiyon
memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay
di-piksiyon
Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o narinig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
Unang panauhan
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng panghalip na ka o ikaw subalit hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
Ikalawang Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya o kanya.
Ikatlong Panauhan
Dito ay hindi lang iisa ang tagpagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo
Paksa
Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating.
Paksa
Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan
Tauhan
Dalawang uri ng tauhan
Expository
Dramatiko
a kanya umiikot ang mga pangyayari sa kwento. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang ginagampanan sa kabuuan ng akda.
Pangunahing Tauhan
kilala sa tawag na kontrabida. Sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapgkat ang tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento.
Katunggaling tauhan
karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay ang sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan .
Kasamang tauhan