Tekstong Naratibo Flashcards
Ang may-akda o isa sa
mga tauhan ang siyang
nagsasalaysay ng
kwento sa pamamagitan
ng unang panauhang
“ako“ at “kami”
Unang Panauhan
Mistulang kinakausap ng
manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa
kuwento. Gumagamit ng
mga panghalip na “ka” o
“ikaw”
Ikalawang Panauhan
Malayang nagsasalaysay ng mga
maaaring pumasok sa isipan at
damdamin ng mga tauhan at sabihin sa
bumabasa kung ano ang kanilang iniisip
o nadarama.
Pangatlong Panauhan
Klase ng panauhan kung saan walang relasyon sa tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit sa pagsasalaysay
ay “siya”.
Ang manunulat ay tagapag-obserba lang
Ikatlong Panauhan
Tatlong Uri ng Pangatlong Panauhang Pananaw
Maladiyos
Tagapag-obserba
Limitado
Ito ay kung saan ang manunulat ay nabagatid ang galaw
at inisip ng lahat ng mga
tauhan.
Maladiyos
Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
Maladiyos
Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang
mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kanyang isinasalaysay.
Tagapag-obserba
Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan. Subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
Limitado
Hindi lang isa ang tagapagsalaysay kaya’t
iba’t ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
Kombinasyong Pananaw
Mga Paraan ng
Pagpapahayag ng
Diyalogo, Saloobin, o
Damdamin
- Tuwirang Pagpapahayag
- Di Tuwirang
Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o
nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang
katangiang taglay ng mga tauhan.
Tuwirang Pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o
nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapabayag. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi
Di Tuwirang Pagpapahayag
Mga Elemento ng
Tekstong Naratibo
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Paksa o tema
Pagpapakilala ng tauhan
• Expository
• Dramatiko