Tekstong Impormatibo Flashcards
Isang uri ng babasahing di piksiyon. Layuning makapagbigay impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
tekstong Impormatibo
Mga Elemento Ng Tekstong Impormatibo
Layunin ng May-akda
Pangunahing Ideya
Pantulong na Kaisipan
Mga Estilo at Kagamitan sa Pagsulat
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Pag-uulat Pang-impormasyon
Pagpapaliwanag
Mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Personal na nasaksihan o hindi direkta ngunit mula sa mga sulating pangkasaysayan o historical account
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Ang _____________________ ay hindi lamang ukol sa pagbibigay ng impormasyon na mayroon ka, bagkus ito ay kaakibat ng responsableng pagkalap ng impormasyon, at kinakailangan ng pagpoproseso nito para mas madaling maunawaan ng ibang tao
Tekstong Impormatibo
Nabasa mula sa isang mapagkakatiwalaan na mapagkukunan ng impormasyon
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung “sino,” “ano,” “saan,” “kailan,” at “paano” nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Sa uring ito nakalalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Pag-uulat Pang-impormasyon
Ang pagsulat ng ganitong uri ng tekstong impormatib ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat sang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat
Pag-uulat Pang-impormasyon
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Pagpapaliwanag
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan
Pagpapaliwanag
Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flow chart na may kasamang mga paliwanag.
Pagpapaliwanag
Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
Pagpapaliwanag