Tekstong Naratibo Flashcards
ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o dipiksiyon (memoir. biograpiya, balita, malikhaing sanaysay).
Kapwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng
iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha,
Tekstong Naratibo
Mahahalagang Elemento Sa Pagbuo Ng Mahusay Na Narasyon
- Paksa.
- Estruktura
- Oryentasyon
- Pamamaraan ng Narasyon
- Komplikasyon o Tunggalian
- Resolusyon
. Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang
kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga
kahalagahan nito
Paksa
. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang
ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan
ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan ang kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna. Maaaring
Estruktura
. Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga
batayang tanong na sino, saan, at kailan. Ang mahusay na deskripsiyon sa mga detalyeng ito ang magtatakda
kung gaano kahusay na nasapul ng manunulat ang realidad kaniyang akda.
Oryentasyon
Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang
bahagi ng kuwento upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng
pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May iba’t ibang paraan ng narasyon na maaaring gamitin ang
manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay. Hindi laging epektibo ang mga pamamaraang
ito. Tandaan na bumabagay ang ibat ibang pamamaraan ng narasyon ayon sa layunin at estilo ng
pagkukuwento ng manunulat at sa kalikasan ng paksa.
Pamamaraan ng Narasyon.
Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang
mahalagang bahagi ng kuwento ng nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng
mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.
Komplikasyon o Tunggalian.
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay masaya o
hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
Resolusyon.
- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag- uusap ng mga tauhan upang
isalaysay ang nangyayari.
Diyalogo
- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o
mangyayari sa kuwento.
Foreshadowing
- tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.
Plot Twist
- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na
magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.
Ellipsis
- teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.
Comic Book Death
- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula
Reverse Chronology
- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga
karakter, lunan, at tensiyon sa pamamagitan ng mga flashback.
In media res