Argyumentatibo Flashcards
Halimbawa:
Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog sa dagat-dagatang apoy.
Bata: Bakit ko pa kailangang pag-aralan pati ang mga paksang hindi pa namin tinatalakay?
Magulang: Kapag hindi mo yan pinag-aralan, papaluin kita.
Argumentum ad Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot)
Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.
Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng awa o simpatya)
Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Argumentum ad Numeram (Batay sa dami ng naniniwala sa argumento)
Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali o tama ang pahayag.
Argumentum ad Igonarantiam (Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya)
Ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang pangyayaring ito.
Cum Hoc Ergo Propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)
Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod na pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na pangyayari.
Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa Pagkakasunod ng mga Pangyayari)
Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag.
Non Sequitur (Walang Kaugnayan)
Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto.
Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular Reasoning)
Paggawa ng panlahatang pahayag o kongklusyon batay lamang sa iilang patunay o katibayang may kinikilingan. Bumubuo ng argumento nang walang gaanong batayan.
Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)
Isang paraan ng pagigiit ng katotohanan at paghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa isang panig.
Tekstong Argyumentatibo