Tekstong Impormatibo at Deskriptibo Flashcards
Ang uri ng tekstong ito ay tinatawag din na ekspositori
Tekstong Impormatibo
TAMA o MALI? Ang Tekstong Impormatibo ay obhetibo kaya limitado ang pagkiling o paglapat ng damdamin ng may-akda
TAMA.
Magbigay ng tatlong halimbawa ng Tekstong Impormatibo.
- mga sangguniang aklat
- encyclopedia, almanac, batayang aklat at journal
- ulat
- pananaliksik
- artikulo
- polyeto o brochure
- suring-papel
- sanaysay
- mungkahing proyekto
- balita
- komentaryo
Magbigay ng tatlong hulwaran ng organisasyon na ginagamit sa tekstong impormatibo
- Kahulugan
- Pagsusuri
- Sanhi at Bunga
- Pag-iisa-isa
- Paghahambing
- Suliranin at Solusyon
Anong Hanguan ng Impormasyon ang impormasyong galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari?
Hanguang Primarya
Anong Hanguan ng Impormasyon ang impormasyong galing sa iba o nalaman lang dahil sa taong nakasaksi ng pangyayari?
Hanguang Sekondarya
Anong Hanguan ng Impormasyon ang isa sa pinaka malawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos?
Hanguang Elektroniko
Ang uri ng teksto na ito ay nagtataglay ng impormasyon na may kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari.
Tekstong Deskriptibo
Ang teksong deskriptibo ay sumasagot sa tanong na?
Ano.
Magbigay ng tatlong halimbawa ng tekstong deskriptibo
- Mga akdang pampanitikan
- talaarawan
- talambuhay
- polyetong panturismo
- suring basa
- obserbasyon
- sanaysay
- rebyu ng pelikula o palabas
Ang uri ng paglalarawan na ito ay literal at obhetibong naglalahad ng konkretong katangian ng impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawa. Naglalarawan din ito base sa 5 senses.
Karaniwang paglalarawan.
eg. Mabaho ang kaniyang hininga.
Ang uri ng paglalarawan na ito ay hindi literal at gumagamit ng matalinhaga o idyomatikong pahayag.
Masining na Paglalarawan.
eg. Ang kaniyang hininga ay kasing baho ng malansang isda.
Ang uri ng paglalarawan na ito ay ginagamit sa ilustrasyong teknikal na sulating upang makita ng mambabasa ang larawan. Halimbawa nito ang mga sukat at blueprint
Teknikal na Paglalarawan
eg. Ang larawan ng isang bibig.