Paraan ng Pagpili ng Kalahok Flashcards
Anong uri ng sampling ang mayroong pagkakataon mapili ang lahat ng kasali sa populasyon?
Probability Sampling
Ang uri ng Probability Sampling na pinipili ang respondente nang suwertehan o kaya ay hindi sinasadya (by chance). Bawat isa ay may pagkakataong mapili o mabunot
Simple Random Sampling
Ang uri ng Probability Sampling na mayroong pagpapangkat ng populasyon batay sa mga katangian nito at mula sa bawat pangkat, pipili ng magiging sample.
Stratified random sampling. Ang mga pangkat na binubuo sa sampling technique na ito ay tinatawag na strata.
Ang uri ng Probability sampling na ito ay madalas ginagamit sa malakihang pag-aaral. bawat miyembro ng populasyon ay ilalagay sa isang pangkat. Ang pangkat na ito ay binubuo ng iba’t ibang uri ng populasyon depende sa baryabol na komokontrol dito.
Cluster random sampling. Ang bawat pangkat ay tinatawag na cluster.
Ang uri ng probability sampling na ito ay ang pagpili ng kada nth elemento ng populasyon.
Systematic random sampling
Ang uri ng sampling na hindi lahat ng tao sa populasyon ay mayroong pagkakataon na mapili.
Non-probability sampling
Ang uri ng non-probability sampling na tinatawag ding haphazard, accidental, or incidental sampling. Ginagawa ito dahil mas nakagiginhawa sa bahagi ng mananaliksik.
Convenience sampling
Ang uri ng non-probability sampling na tinatawag ding judgemental sampling. Kinukuha ang sample bataw sa pagpasya ng mga mananaliksik na sa tingin nila ay pinakaakma upang maging respondente
Purposive sampling
Ang uri ng non-probability sampling na katulad ng stratified sampling. Sinisimulang tukuyin ng mananaliksik ang quota, mula sa nilimitahang kontroladong kategorya. Matapos nito ay hahatiin ang populasyon sa iba’t ibang kategorya batay sa nilimitahang kategorya. Kokolektahin ng mananaliksik ang sample, na may kaparehong proportion sa bilang ng populasyon. Ginagawa ito upang masigurong mabibilang ang partikular na bahagi ng populasyon.
Quota sampling