Tayutay/Idyoma Flashcards
ay mga salita o pariralang ginagamit upang maging mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag
tayutay (figure of speech)
ayon sa kanya, ang pagtatayutay ay nagmumula sa isang imahinasyon na
sa tulong ng malawak na karanasan sa buhay, mayamang bokabularyo, at maunlad na kasanayan sa pagsasalita, kahit di na pag-isipan pa, kusa itong pumipilantik sa dila
Arrogante (1994)
16 uri ng tayutay
- Pagtutlad(simile)
- pagwawangis (metapora)
- pagbibigay-katauhan (personification)
- pagpapalit - tawag (metonymy)
- Pagpapalit-saklaw (synechdoche)
- pagtawag/panawag (apostrophe)
- pagmamalabis (hyperbole)
- Pagtatambis(Antithesis)
- Pagsalungat (Epigram)
- Pag-uyam (Irony/Sarcasm)
- Pagtanggi (Litotes)
- Paghihimig (Onomatopeia)
- Pagdaramdam (Exclamation)
- Pagtatanong (Rhetorical Question)
- Paglumanay (Euphism)
- Pag -uulit (Alliteration)
Ginagamit ito sa tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.
Ito’y ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng kapara, tila, mistula,
kawangis at katulad.
Pagtutulad
(Simile)
Ito’y tiyakang paghahambing pero HINDI
ginagamitan ng mga salitang gaya ng, para ng, kapara, atbp.
Pagwawangis/Metapora
(Metaphor)
Ito ay pagsasatao o pagsasalin ng talino,
gawi, at katangian ng tao sa mga bagaybagay sa ating paligid.
Pagbibigay-katauhan/Pagsasatao
(Personification)
Ang ibig sabihin ng “meto” sa metonymy ay
panghalili o pagpapalit
Ito’y paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig, ng kahulugan ng ditinutukoy na salita tulad ng “krus” sa halip na “problema”
Pagpapalit-tawag
(Metonymy)
Ito’y maaaring gamitin sa pagbanggit ng
bilang sa pagtukoy sa kabuuan at maaari din namang ang isang tao’y kumakatawan ng isang pangkat
Pagpapalit-saklaw
(Synechdoche)
Ito’y paggamit ng mga salita sa pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila totoong
buhay at tila nasa kaniyang harapan ngunit wala naman
Pagtawag/ Panawag
(Apostrophe)
Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Pagmamalabis
(Hyperbole)
Ang mga pahayag na ito ay bumabanggit ng mga bagay na magkasalungat upang lalong mangibabaw o mas lalong maging mabisa ang isang natatanging kaisipan
Pagtatambis
(Antithesis)
Dalawang magkasalungat na kaisipan ang
pinagsasama upang maipakita ang kanilang kaugnayan.
Pagsalungat
(Epigram)
Dalawang magkasalungat na kaisipan ang
pinagsasama upang maipakita ang kanilang kaugnayan.
Pagsalungat
(Epigram)
Ito’y paggamit ng mga salitang mapangutya o mapang-uyam bagaman tila masarap pakinggan kung titingnan ang literal na kahulugan
Pag-uyam
(Irony/Sarcasm)
Ang mga pahayag na ito ay karaniwang
ginagamitan ng panangging hindi upang
bigyang-diin ang makahulugang pagsang
-ayon sa sinasabi
Pagtanggi
(Litotes)
Ito’y paggamit ng mga salitang ang tunog ay parang nagpapahiwatig ng kahulugan nito.
Paghihimig
(Onomatopeia)
Ang pagpapahayag na ito’y nagsasaad ng
masidhi o di -pangkaraniwang damdamin.
Pagdaramdam
(Exclamation)
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit
upang tanggapin o di -tanggapin ang isang bagay.
Isa itong tanong na walang inaasahang tugon.
Pagtatanong
(Rhetorical Question)
Pinagaganda ang pangit sa pandinig upangmaging katanggap-tanggap ito.
Paglumanay
(Euphism)
pag-uulit sa mga letra, salita o parirala
Pag-uulit
(Alliteration)
pag-uulit ng magkakatulad na mga titik o tunog sa simula ng dalawa o higit pang
magkakasunod na mga salita o mga
salitang magkakalapit sa isa’t isa
paripantig (aliterasyon)
ąng inuulit dito ay ang unang
salita ng taludtod.
anapora
– ayon kay Alejandro, ito’y
paggamit ng parehong salita sa unahan at sa hulihan ng magkasunod na sugnay
(Arrogante, 2003).
anadiplosis
salungat ito ng anapora dahil
ang pag-uulit nasa hulihang bahagi ng
taludtod.
epipora
pagbaligtad sa ayos ng pahayag
empanodos
ay tinatawag ding idyoma o idyomatikong pahayag. Ito ay mga di tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng gustong sabihin na may kahulugang patalinghaga.
sawikain
ay maaaring salita o pariralang hindi tuwirang tumutukoy o sadyang lumilihis sa kahulugan at sa tuntuning panggramatika. Ito rin ay maaaring pinagtambal na dalawang salitang may kani-kaniyang tanging sariling kahulugan ngunit madaling napapalitan ng nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan.
sawikain o idyoma