Tauhan sa Noli Flashcards
Siya ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra)
Siya ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso. Siya ang kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay inilarawan bilang maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, at mapagpasakit.
Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara)
Siya ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.
Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso)
Siya ay isang mangangalakal na tiga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kaniya
Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago)
Siya ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.
Don Anastasio o Pilosopo Tasyo
Siya ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.
Elias
Ang magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Basilio at Crispin
Siya ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya.
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina
Siya ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Narcisa (o Sisa)
Ang kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Padre Salvi o Bernardo Salvi
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Alperes
Ang napangasawa ng alperes; dáting labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Donya Consolacion
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Don Tiburcio de Espadaña
Ang malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Alfonso Linares
Ang tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
Don Filipo