Kabanata 14 Flashcards
Mga dahilan ng pagtira sa London:
- Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang ingles.
- Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat ni Morga.
- Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas
Sakay ng Barkong ____ __ ____, si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika.
City of Rome
Napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga mamamahayag na Amerikano sa kaalaman sa ___________.
geopolitics
Dumating si Rizal sa Liverpool, English noong May 24,1888 at nagpalipas ng gabi sa_____ _______.
Hotel Adelphi
Dumating sa London si Rizal noong?
May 25, 1888
Nakitira sa bahay ng isang takas na Pilipino sa Marianas at nagtatrabaho bilang abogado sa London na si _______________.
Dr. Antonio Ma. Regidor
Malapit dito ang bahay ng mga Beckett.
Ito ang pambansang aklatan ng England. Dito ginugol ni RIzal ang kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan.
British Museum
Masamang Balita
- Pinag-uusig ang kanyang mga kababayan ng Espanyol dahil sila ay pumirma sa petisyon laban sa mga Prayle. (Doroteo Cortes)
- Pinag-uusig ang kanyang pamilya laban sa mga prayle.
* Malubhang paninira nina Sen. Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya laban sa Noli, gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol. - Ang hindi makatwirang pagpapatapon kay Manuel Hidalgo sa Bohol.
- Ipinakulong si Laureano Viado.
Magandang Balita
- Ipinagtanggol ni Father Vicente Garcia ang nobelang Noli Me Tangere laban sa mga prayle.
Itinatag ang makabayang samahan na tinawag na _________ __ __________ noong Dec. 31, 1884.
Asosasyon La Solidaridad
Nahalal na Pangulong Pandangal ng Asosasyon La Solidaridad si _____.
Rizal
Feb. 15, 1889 itinatag ni _______ ______ ______ ang pahayagang makabayan na La Solidaridad
Graciano Lopez Jaena
Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad:
a. Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipinas
b. Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya.
c. Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan.
d. Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
e. Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan.
Mga Sinulat ni RIzal sa London
- La Vision del Fray Rodriguez
- Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos
Mga payo ni Rizal sa mga kababaihan sa Malolos:
a. Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa sangkatauhan.
b. Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na nasisiyahan na makita ang kanilang mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan.
c. Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang karangalan at dignidad.
d. Dapat sikapin na mga kababaihang Pilipina na maging edukado, maliban pa sa pagpapanatili ng kanyang mga likas na katangian.
e. Ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal, pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano na may mabuting moral at kaugalian.