TALUMPATI/URI Flashcards
isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa.
TALUMPATI
Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa kaugnay sa paksang tinatalakay
Talumpating Panlibang
Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa simbahan, sa kongreso, sa kampanya ng mga politiko gayundin ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
Talumpating Panghikayat
Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito
Talumpating Pagpaparangal
Matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay
Talumpating Pagbibigay-galang
Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan. Ito ay pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng insiprasyon sa mga tagapakinig
Talumpating Pampasigla
Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga talumpating ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang paksang tinatalakay
Talumpating Pangkabatiran
Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda.Nalalaman lamang ang paksang tatalakayin sa oras ng pagtatalumpati.
Biglaan O Impromptu
Binibigkas ito na may maikling panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
Daglian o Maluwag (Extemporaneous)
Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pagaaral sa ganitong paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programang pagsasaliksik. Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipagugnayan ng tagapagsalita sa mga tagapakinig.
Manuskrito