TALUMPATI 2 Flashcards
Ayon kay Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, kinakailangang may sapat na kaalaman ang mananalumpati sa paksa.
Paksa o Tema
Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining ng Pakikipatalastasang Panlipunan, dapat mabatid ng mananalumpati ang edad at kasarian ng mga tagapakakinig sapagkat kailangang magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng mga tagapakinig.
Tagapakinig
maisasagawa ang paghahanay mula sa unang pangyayari, sumunod at panghuling pangyayari.
Kronolohikal
nakabatay ang pagkakaayos ng talumpati batay sa pangunahing paksa at mga pantulong na detalye.
Topikal
karaniwang ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.
ProblemaSolusyon
Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mavuti ang pagtatalumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng tagapagsalita.
Kahandaan
Ang sapat na kaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay o sa ginagawa nya.
Kaalaman sa Paksa
Madaling maganyak na making ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang manunulumpati/tagapagsalita.
Kahusayan sa pagsasalita