Talumpati at Mga Di-Berbal na Pahiwatig Flashcards
Ito ay uri ng sanaysay na hayagang sinasambit sa harap ng madla.
Talumpati
TAMA O MALI
Nakabatay ang porma ng talumpati sa mensaheng layong ipaabot ng may-akda.
TAMA
Ano ang tatlong inaasahang taglay ng talumpati?
(1) Simula
(2) Gitna
(3) Wakas
TAMA O MALI
Tulad ng malikhaing akda, ang isang talumpati ay maaaring ayon sa totoong pangyayari o hindi totoong pangyayari.
MALI
Hindi tulad ng malikhaing akda, ang isang talumpati ay inaasahang nakabatay sa totoong pangyayari.
Ito ay ang plano at magiging gabay upang maayos na maibahagi ang mga punto ng paksang isusulat o ilalahad.
Balangkas
TAMA O MALI
Ang Balangkas ay mahalaga sa pagsusulat ng talumpati.
TAMA
Ano ang pagkakasunod-sunod ng isang balangkas?
(1) Pamagat
(2) Panimula o introduction na pumukaw ng atensiyon
(3) Paksa na maaaring mula sa sariling karanasan o mga kuwentong naririnig sa iba
(4) Wakas o conclusion
TAMA O MALI
Hindi na dapat balikan ang pamagat upang suriin kung angkop ba rito ang nilalaman ng talumpati.
MALI
Ito’y dapat balikan pagkatapos.
Sino ang nagsulat ng talumpating pinamagatang “Mga Damdamin at Kaisipan ng Sambayanang Koreano sa Panitikan”?
Park Kyong-ni
Kailan at saan itinanghal ni Park Kyong-ni ang kaniyang talumpati?
Nobyembre 1994 sa Paris, Pransiya
Ano ang KCAF?
Korean Culture and Arts Foundation
Ano ang layunin ng pagtitipon sa Paris?
Upang mapakilala ang panitikang Koreano sa mas malawak na madla.
TAMA O MALI
Matapang na inilalahad ng akda ang panawagan ng manunulat nito na hikayatin ang mamamayan na makisangkot sa mga usaping panlipunan at huwag lamang isipin ang mga pansariling pangangailangan.
TAMA
Ano ang pinakakinikilalang akda ni Park Kyong-ni?
Nobelang “Land”
Kailan at ano ang dahilan ng pagkamatay ni Park Kyong-ni?
2008 dahil sa sakit sa baga
Ano ang pamagat ng talumpati ni Park Kyong-ni?
Ang Damdamin at Kaisipan ng Sambayang Koreano sa Panitikan
Ano sa ingles ang pamagat ng talumpati ni Park Kyong-ni?
The Feelings and Thoughts of the Korean People in Literature