Pagbuo ng Diskurso Flashcards
Ito ay ang itinuturing na pinakamatandang porma ng dula sa buong mundo, kung saan isa itong sinaunang porma ng dula na may saliw ng musika na maaaring magtanghal nang sumasayaw at nang may suot na maskara ang artistang bahagi ng produksiyon.
Noh
PUNAN ANG MGA PATLANG
Ang Noh ay nangangahulugang ________ o _________.
(1) Kakayahan
(2) Talento
TAMA O MALI
Ang Noh ay karaniwang nagsasalaysay ng sinaunang tradisyon ng bansang Hapon na nagtatampok ng mga tauhang supernatural na nagkatawang-tao upang magbahagi ng isang kuwento.
TAMA
Ano ang mahalagang elemento ng Noh?
Paggamit ng maskara, at iba pang props upang magpaabot ng mensahe sa mga manonood hinggil sa tradisyon at paniniwala ng bansa.
Ito ay isang uri ng dula na lantad na gumagamit ng tagapagsalaysay upang ilahad ang lunan, maging ang katangian ng mga tauhan.
Chamber Theater
TAMA O MALI
Ang chamber theater ay kadalasan ding gumagamit ng props.
MALI
Hindi kadalasang gumagamit ng props bagkus ay gumagamit ng mga tao bilang bahagi ng produksyon.
Hal. puno, bakod, atbp.
Ano ang sinasabing naging inspirasyon ng may-akda sa Ang Sapot ng Gagamba, kung saan ito ay isang antolohiya ng limang parabula hinggil sa Budismo na nailathala sa Tokyo.
Karma: A Story of Early Buddhism (1895)
Kailan pormal na ipinakilala ang Budismo sa Hapon?
Ika-5 siglo
TAMA O MALI
Ang pangunahing layon ng Budismo ay upang maunawaan ang likas na katangian ng pagdurusang nararanasan ng tao at kung paano ito maiibsan.
TAMA
Ayon sa Budismo, ano ang pangunahing sanhi ng paghihirap ng tao?
(1) Kasakiman
(2) Poot
(3) Maling paniniwala
Sino ang itinuturing na “Ama ng Maikling Kuwentong Hapon”?
Ryunosuke Akutagawa
Ano ang karaniwang pinapaksa ng mga akda ni Ryunosuke Akutagawa?
Kasaysayan at tradisyon ng sinaunang Hapon
Ano ang premyadong patimpalak pampanatikan ang ipinalangan kay Ryunosuke Akutagawa?
Gawad Akutagawa
Ano ang pamagat ng akda ni Ryunosuke Akutagawa?
Ang Sapot ng Gagamba
Sino ang nagsalin ng akdang Ang Sapot ng Gagamba?
Christopher S. Rosales