Talumpati Flashcards
Lesson 3
ay isang uri ng sulatin tungkol sa isang paksa na sadyang inihanda para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig
Talumpati
Maaaring ang layunin nito ay manghikayat , magpaliwanag, magbigay impormasyon/kabatairan, mangatwiran, at magbigay ng kuro-kuro
Talumpati
sa kaniyang aklat na Pagtatalumpati at Pagmamatuwid (1970), may anim na uri ng talumpati ayon sa layunin.
Rufino Alejandro
Ang ganitong uri ng talumpati ay karaniwang sa mga pagtitipong sosyal o panlipunan, salu-salo o piging, at miting ng mga samahan.
Talumpating panlibang
Ito ay isang talumpating naglalahad na ang layunin ay maipabatid sa tagapakinig ang isang mahalagang paksa
Talumpating nagbibigay kabatiran
Layunin ng ganitong talumpati na bigyang -pugay ang isang tao, bagay, o institusyon.
Talumpating papuri
sa kaniyang aklat na Talumpati, Debate, at Argumentasyon, mauuri din ang talumpati ayon sa paghahanda o paraan ng pagsasalita
Patrocinio V. Villafuerte (2002)
Tinatawag itong impromptu speech sa Ingles. Ito ay talumpating hindi handa sapagkat walang maituturing na paghahanda ang isang mananalumpati
Biglaan o dagliang talumpati
Tinatawag itong extemporaneous speech sa Ingles. Ginagamit ang ganitong uri ng talumpati sa mga patimpalak. Ang mga kalahok ay karaniwang bumubunot ng tanong o paksang kanilang tatalakayin o ipapaliwanag
Maluwag na Talumpati
Tinatawag itong prepared speech sa Ingles. Ito ay talumpating may paghahanda na karaniwang sumusulat ng piyesa ang mananalumpati na naglalaman ng kaniyang sasabihin maaarin din naman itong isulat ng iba
Handang talumpati
Mga Bahagi ng Talumpati
Panimula, katawan, wakas o konklusyon.
Ito ang bahaging humihikayat o umeengganyo sa madlang tagapakinig
Panimula
Ito ang bahaging humihikayat o umeengganyo sa madlang tagapakinig
Panimula
Dito pormal na ibinibigay ang paksa at layunin ng iyong talumpati. Ito ang gagabay sa kaisahan ng talumpati sapagkat nakasentro lamang dapat dito ang tatalakayin. Ito rin ang nagpapabatid sa mga taga pakinig ng dapat nilang asahang marinig
Paglalahad ng paksa
Dito pinalalawak ng mananalumpati ang paksa sa anyo ng mahahalagang punto o argumento.
Pagpapaliwanag
Ito ang posisyon ng mananalumpati ang paksa o isyung kaniyang tinatalakay. Sa haba ng kaniyang talumpati, ito ang paninindigan nais niyang bigyang-diin at nais niyang tanggapin o panigan ng kaniyang mga tagapakinig.
Paninindigan
Ang katawan ay binubuo ng sumusunod na mga bahagi
paglalahad ng paksa, pagpapaliwanag at paninindigan.
Sa bahaging ito, maaaring muling banggitin ng mananalumpati ang mahahalagang puntong kaniyang tinalakay, ang implikasyon ng kaniyang mga pahayag, o ang pagkilos o aksiyon na nais niyang gawin ng mga tagapakinig
wakas o konklusyon