Ang suring basa at ang panunuring panitikan Flashcards
Lesson 4
Binibigyang-diin ng teoryang ito ang porma o kaanyuan ng isang akda. Naniniwala itong nasa porma o estruktura ng isang akda ang kasiningan nito.
Pormalismo
Sa pananaw na ito, sinusuri ang akda batay sa kung paano nito tinatalakay ang mga isyung panlipunan.
Sosyolohikal
Tinitingnan dito ang kaugnayan ng mga institusyon, suliranin, at estrukturang panlipunan.
Sosyolohikal
Sa dulog na ito, ang binibigyang-pansin ay ang panahong kinabibilangan ng mga tauhan at pangyayari sa akda
Historikal
Sapagkat ang panitikan ay produkto ng realidad, hindi maiiwasan na ang manunulat ay bumatay sa isang tiyak na panahon upang pangyarihan ng kaniyang akda.
Historikal
Ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari, at iba pang elemento ng akda ay may paralelismo o pagkakatulad ba sa mga totoong detalye ng búhay ng awtor?
Biyograpikal
Sa paggámit ng teoryang ito, nasusuri kung paanong ang akda ay naimpluwensiyahan ng tunay na búhay ng awtor.
Biyograpikal
Sinusuri ng teoryang ito ang estado ng kababaihan bílang paksa ng panitikan.
Feminismo
Naglalayon itong igiit ang espasyo ng babae bílang indibidwal na may dignidad at kalayaan.
Feminismo
Ipinakikita nito ang tunggalian ng kababaihan na malabanan ang opresyon ng sistemang patriyarkal o makalalaki.
Feminismo
Nakatuon ito sa pagsusuring pag-uugali, gawi, kilos, natatagong motibo, dahilan, at iba pang salik ng pagkatao ng mga tauhan batay sa sikolohiya.
Siko analitiko
Itinuturing ang mga tauhan na tunay na tao kayâ ginagamit din sa pagsusuring kanilang pagkatao ang mga teoryang sikolohikal na gamit sa tunay na mga tao.
Siko-analitiko
Nakatuon ito sa pagtúkoy ng mga tauhan, tagpuan, pangyayari, tema, o simbolo sa sa iba’t ibang anyo ng panitikan ay nagkakaroon na ng unibersal na pagkakakilanlan at maituturing nang isang padron.
Arketaypal
Nakatuon ito sa bisà ng panitikan sa kaasalan, kaisipan, at dam-dámin ng tao
Moralisimo
Ang diin nito ay sa áral na naiidudulot ng isang akda. Sa mga mámbabasá o tagapakinig, ang áral ay nasa larangan ng etika o moralidad ng kilos at gawi sa pang-araw-araw na búhay ng tao bilang kasapi ng lipunan.
Moralisimo
Nakabatay sa mga teoryang lingguwistiko ni Ferdinande de Saussure na isang dalubhasa sa wika, hinamon nito ang panini-walang salamin ng realidad ang isang akda. Sa halip, naniniwala itong ang isang panitikan ay bunga ng mga lingguwistikong kumbension at maihahambing sa iba’t ibang teksto
Estruktalisimo
Naniniwala ito na ang kahulugan ng isang akda ay nasa kama-layan ng gumagamit ng teksto at hindi sa teksto.
Deskontruksiyon
Habang isi-nusulat ang akda, ang kahulugan nito ay nasa kamalayan ng manunulat. Ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mámbabasá, ang kahulugan ng akda ay nasa mámbabasá na.
Deskontruksiyon
Ang kamala-yang pangkasaysayan, kaagapay ng pamamaraang makaagham, ang pinakapinal na batayan at sukatan sa kabuoan o kakulangan ng interpretasyon ng akda. Ang teoryang ito ay kilalá rin sa tawag na post-estrukturalismo
Deskontruksiyon