Talumpati Flashcards
Pormal na pagpapahayag ng binibigkas sa
harap ng manonood o tagakinig. Pormal dahil
ito ay pinaghandaan, gumagamit ng piling wika,
at may tiyak na layunin.
Talumpati
Ito ay karaniwang binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa nakasulat na anyo
Talumpati
maaari ding ituring na talumpati ang iba pang anyo ng pormal na pampublikong pagpapahayag tulad ng:
● natatanging panayam o lektura
● presentasyon ng papel
● keynote address o susing talumpati
● talumpating pangseremonya
● talumpating nagbibigay inspirasyon
● at iba pa.
Mahalaga ang panimulang pagsisiyasat sa mga elementong nakapaloob dito dahil
kailangang isaalang-alang ang mga ito sa pagtiyak sa nilalaman, tagal, at tono ng talumpati.
PAGHAHANDA
Sa pagsulat may dalawang mahahalagang proseso
na dapat isaalang-alang sa yugtong ito:
● Pagsulat ng Talumpati
● Pagrerebisa ng Talumpati
isang maikling kuwento o kwento na karaniwang naglalaman ng isang nakakatawa png kaganapan o kawili-wiling pangyayari
Anekdota
Ang talumpati ay sinusulat hindi para basahin kundi
para bigkasin.
Sumulat gamit ang wikang pabigkas
Iwasan ang mahahabang salita. Hangga’t maaari huwag ding
gumamit ng teknikal na salita. Sa halip na gumamit ng mga abstraktong salita, mas gamitin
ang mga kongkretong salita o iyong lumikha ng mental na imahen sa tagapakinig.
Sumulat ng simpleng estilo.
Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, inilalatag dito ang mga ideya sa isang pahayag
paralelismo
Kapag nasulat na ang unang draft o burador, hindi ito nangangahulugan na ganap na ngang tapos
ang talumpati. Kailangan itong rebisahin.
Paulit-ulit na pagbasa
Ang proseso ng pagsulat ng talumpati
ay maaring sa tatlong yugto:
● Paghahanda
● Pananaliksik
● Pagsulat
Ang introduksyon ay maaaring maglaman ng
alinman sa sumusunod:
a.Sipi mula sa isang akdang pampanitikan
b.Anekdota
c.Pagbanggit ng paksa o tema at pagpapliwanag
ng mga susing konsepto nito
d.Pag-iisa-isa sa mga layunin
e.Pagtatanong sa tagapakinig