Posisyong Papel Flashcards
ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa makabuluhan at napapanahong isyu.
Posisyong Papel
❖Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, ______ o ____ pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
isa o dalawang
Mahalagang pagtuunan ang dalawang salitang gagamitin sa aralin ito:
katuwiran at paninindigan
Mas magandang gamitin ang ____ kaysa sa argumento
katuwiran
magandang gamitin ang ____ kaysa posisyon.
Paninindigan
___ ay maaring salin sa salitang tuwid na nagpapahiwatig ng:
Katuwiran, (pagiging tama, maayos, may direksyon, o layon)
naman ay maaring galing sa tindig na nagpapahiwatig naman ng :
Paninindigan (Pagtayo, Pagtatanggol, Paglaban, at maaari ding pagiging tama)
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
- Tiyakin ang Paksa
- Gumawa ng panimulang saliksik
- Bumuong posisyon o paninindigan batay sa
inihanay na mga katuwiran - Gumawa ng mas malalim na saliksik
- Bumuo ng balangkas
- Sulatin ang posisyong papel
- Ibahagi ang posisyong papel
May dalawang posibleng paraang kung
paano nabubuo ang paksa sa posisyong papel. Una,
maaring reaksiyon ito sa isang mainit na usaping
kasalukuyan pinagtatalunan at pangalawa maaring
sagot lamang ito sa isang suliranin panlipunan.
Tiyakin ang Paksa
Maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkakaunawa sa usapin. Sikaping maging bukas
muna ang isip para makabuo ng matalino at
makatuwrirang posisyon. Iwasan munang kumiling
sa isang panig na maaaring humadlang para
makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.
Gumawa ng panimulang saliksik
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng
magkabilang panig upang matimbang ang dalawang
posisyon. Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat
katuwiran at kontra katuwiran para makita kung alin
ang walang katapat o hindi pa nasasagot. Tandaan na
hindi ito pahabaan ng listahan ng kutwiran. Kailangan
pa ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa.
Batay sa paglilista at pagtitimbang bumuo ng isang
paninindigan.
Bumuong posisyon o paninindigan batay sa
inihanay na mga katuwiran
Matapos matiyak ang sariling
paninindigan sa isyu, maaaring magsagawa
ng mas malawak at malalimang saliksik
tungkol sa usapin. Sa bahaging ito,
maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran
para sa panig na napiling panidigan
Gumawa ng mas malalim na saliksik
Matapos matipon ang mga datos,
gumawa ng balangkas para matiyak ang
direksyon ng pagsulat ng posisyong papel.
Bumuo ng balangkas
Kung may malinaw na balangkas, madali
nang maisulat ang posisyong papel. Kailangang
buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.
Kailangan maiparamdam at maipahiwatig sa
mambabasa na kapani-paniwala ang mga
sinasabi sa posisyong papel. Ipakita ang
kaalaman at awtoridad sa usapin. Patunayan na
ang sariling paninindigan ang siyang tama at
nararapat.
Sulatin ang posisyong papel
Walang silbi ang posisyong papel kung
hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaaring
magparami ng kopya at ipamigay ito sa
komonidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa
ng mga tao, ipalathala sa pahayagan,
magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng
telebisyon, radio, at iba pang daluyan. Maari
ding gamitin ang social media upang maaabot
ang mas maraming mambabasa.
Ibahagi ang posisyong papel