talumpati Flashcards
isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa
talumpati
ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
Mananalumpati
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
Talumpating Pampalibang
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
Talumpating Nagpapakilala
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa
Talumpating Pangkabatiran
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi
Talumpating Nagbibigay-galang
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito.
Talumpating Nagpaparangal
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas
Talumpating Pampasigla
4 na Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan
- biglaang talumpati (impromptu)
- maluwag (extemporaneous)
- manuskrito
- isunaulong talumpati
Ang talumpating ito ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
biglaang talumpati (impromptu)
Sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo na ipinahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
maluwag (extemporaneous)
Ang talumpating ito ay madalas na ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti
manuskrito
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aaralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap
isinaulong talumpati
3 bahagi ng talumpati
- Simula
- Katawan o Gitna
- Katapusan o Wakas
Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya
simula