sanaysay q2 Flashcards
ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may akda. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Sanaysay
Dalawang Uri ng Sanaysay
- Pormal o Maanyo
- Personal o Pamilyar
Paksa o Tema
Pormal na Sanaysay - Naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan
o kaalaman sa pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng impormasyon.
Pamilyar o Personal - Mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw-araw, at personal.
Gamit ng Salita
Pormal na Sanaysay - Maingat na pinipili ang pananalita kaya mabigat basahin.
Pamilyar o Personal - Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang na parang usapan lamang ng magkakaibigan.
Pananaw ng Pagsusulat
Pormal na Sanaysay - Mapitagan
at gumagamit ng
ikatlong panauhan o pananaw sa paglalahad
Pamilyar o Personal - Ang may-akda ang tagapagsalita at ang mambabasa ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintidihan.
Nilalaman
Pormal na Sanaysay - Maanyo kung turingan sapagkat ito’y talagang pinag-aaralan, makahulugan, matalinghaga, at matayutay.
Pamilyar o Personal - Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may- akda ay maaaring maka- relate o makisang kot ang mambabasang madla.
Tono
Pormal na Sanaysay - Ang tono ay seryoso, intelektuwal, at walang kasamang pagbibiro.
Pamilyar o Personal - Ang tono ay
palakaibigan kaya pamilyar
ang tono dahil ang
panauhang ginagamit ay
unang panauhan.
Obhetibo o Subhetibo
Pormal na Sanaysay - Obhetibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.
Pamilyar o Personal - Subhetibo, sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may- akda ang pananaw.
Nagmimithing mangganyak, magpatawa o kaya’ y manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa
Pamilyar ng Sanaysay
Apat na bahagi ng Sanaysay
- Pamagat
- Panimula
- Katawan
- Kongklusyon
Ang unang salita ng pamagat ay laging nagsisimula sa malaking titik, Halimbawa: Ang Pangarap Ko Sa
Buhay Ang Aking Pamilya
• Ito rin ay nilalagay sa gitna
Pamagat
Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda.
• Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo, pangungusap na nakakatawag pansin, isang sipi, pagsasaad ng punong diwa at matuwid na pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin nambungad sa sanaysay.
• Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa para basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay.
Panimula
Dito nakalagay ang yong mga ideya at pahayag
•Nagsasaad at
nagpapaliwanag ng mga kaisipan o ideyang sumusuporta sa pangunahing paksa.
Katawan
Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay
solusyon sa isyung tinatalakay
• Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang
mensahe ng buong sanaysay
• Dapat nababagay sa haba ng buong talata at
dapat makapag-iwan ng kakintalang di asad
malilimutan
• Dito nakalagay ang iyong pangwakas
Kongklusyon