Talumpati Flashcards
Sa pagwawakas nililinaw ng
mananalumpati ang kaniyang mga
paninindigan tinitiyak na nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa huli at maaring nanghihikayat tungo sa pakikibaka o pagkilos.
Katapusan
Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang
pangungusap pa lamang. Kaya sa
pagsulat ng introduksiyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglakbay.
Paghahanda
Ang proseso ng pagsulat ng
talumpati ay maihahalintulad
sa pag-akyat at pagbaba ng
bundok.
Proseso
- Sinisikap sa bahaging ito na
mapukaw ang interes o matawag
ang pansin ng mga tagapakinig. - Inilalahad din sa bahaging ito ang
layunin ng talumpati.
Panimula
Halos walang paghahanda sa
pagsulat at pagbigkas ng
talumpati.
Impromptu
Sa bahaging ito gumagamit ang
mananalumpati ng iba‘t ibang
kaparaanan para mapagtibay ang
kaniyang mga ideya, kaisipan at
paninindigan.
Katawan
- Nang-aaliw sa pamamagitan ng
pagpapatawa tulad ng comedy bar. - Nagbibigay pugay sa isang mahalagang tao
sa pamamagitan ng pagkukukwento ng mga
nakakatawa niyang karanasan.
Nang-aaliw
- Ito ang pagkakataong narating nakasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok.
Sa bahaging ito inilalahad ang pinakamalahagang mensahe ng talumpati.
Kasukdulan
Naglalahad ng mga kaalaman
tungkol sa isang partikular na paksa.
Impormatibo
- Nagpapahayag ng mga kaisipan,
pananaw at saloobin ng isang tao sa
harap ng madla. - Sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa
paraang pasalita sa harap ng mga
tagapakinig.
Talumpati
- Sapat na pinaghandaan sa
pamamagitan ng pagsulat ng speech
plan upang maging epektibo ang
pagbigkas.
Extemporaneous
Sinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despidida, parangal at iba pa.
Okasyonal
Humihikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita.
Nanghihikayat
Proseso sa Pagsulat ng Talumpati
Proseso, Paghahanda, Pag-unlad, Kasukdulan, Pagbaba
Uri ng Talumpati
ayon sa Layunin
Impormatibo, Nanghihikayat, Nang-aaliw, Okasyonal