Babasahin Filipino Piling Larang W1 Flashcards
Ito ay tumutukoy sa
kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng paksa.
Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang
isusulat.
Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para
matapos ang pagsulat ng napiling paksa.
May Paninindigan
sa________ at ___________
ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.
pagsasalita at pagsusulat
May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o
pakay sa pagsusulat.
Pamaraan ng Pagsulat
Pangunahing layunin nito ay
mahatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Karaniwang bunga ito ng ating malikot na imahenasyon o kathang-isip lamang.
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Ang isang akademikong sulatin ay may _______ na karaniwang nilalaman ng introduksyon. _____ na nilalaman ng mga paliwanag at ______ na nilalaman ng resolusyon, Kongklusyon at rekomendasyon.
Simula, Gitna, at Wakas
Mayroon itong itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe
Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata at seksyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga
ito.
May karaniwang estruktura
Akademikong Pagsulat
Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi.
Una, ito ay maaaring ______ o ________ kung saan ang layunin
ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
personal o ekspresibo
Katangian ng Akademikong Sulatin
Obhetibo, Pormal, May Kalinawan, May Paninindigan, at May Pananagutan
Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat
dahil may kakayahan siyang mangalap ng mga:
Mahahalagang datos
Mag-organisa ng mga ideya
Lohikal mag-isap
Mahusay magsuri
Marunong magpahalaga sa original ng gawa
May inobasyon
May kakayahang gumawa ng sintesis
Ito ay kaugnay sa mga
sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing
Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipuunan.
May katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may
pananagutan, at may kalinawan.
Akademikong Pagsulat
Layunin ng sulatin na
mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon.
Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
Pamaraang Argumentatibo
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.
Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa.
Maliban na lamang kung ang
naturang uri ng pananalita ay bahagi ng pag-aaral.
Pormal
Ito ay tungkol sa sulating
may kaugnayan sa pamamahayag.
Mahalagang ang mga taong sumusulat nito ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa kasalukuyan na kanyang
isusulat sa pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa ardyo at
telebisyon.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing
Ito ay isang intelektuwal na
pagsulat. Ang gawaing ito ay naktutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng
isang indibidwal sa iba’t ibang larang.
Akademikong Pagsulat (Academic Writing
Sa pamamagitan ng ___________,
maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin
ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata
hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
pagsulat
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pasulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang mga impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa
(Alejo et al 2005).
Obhetibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa
mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Pamaraang Deskriptibo
Layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.
Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
5 Makrong Kasanayan
Pagsasalita, Pagsulat, Pagbasa, pakikinig, panonood
Sa mga makrong
kasanayang tulad ng ________ ,________, ________,madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
pakikinig ,pagbabasa, at panonood
Taglay ng manunulat ang kakayahang
maganalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na
impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kasanayang Pampag-iisip