Sitwasyong Pangwika Flashcards
Anumang panlipunang penomenal sa paggamit at paghulma ng wika.
Sitwasyong Pangwika
Tumutukoy sa kung anong wika ang ginagamit sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ang istatus ng pagkakagamit nito.
Sitwasyong Pangwika
Mga pangyayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa polisiya o patakaran sa wika at kultura.
Sitwasyong Pangwika
Pag-aaral sa linggwistiko at kultural ng lipunan sa paggamit ng wika.
Sitwasyong Pangwika
Paggamit ng wika ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino sa iba’t ibang mga limbag (aklat,pahayagan atb) di limbag (social media, pelikula atb )
Sitwasyong Pangwika
Ang tawag sa mga konserbatibong gumagamit ng Filipino na hindi tumatanggap ng sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon
Purista
Proseso upang ang isang wikang di pa intelektuwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan.
Intelektwalisasyon
“Nagsasalita ka ba ng Tagalog?” “Marunong ka bang magtagalog?”
Tagalog Imperialism
Isang paraan o proseso kung paano maaaring tanggapin at gamitin ng nakararaming taong gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak ng disiplina ng karunungan.
Estandardisasyon
Dapat tandaan na maraming ___________ na sumasaklaw sa karunungan gaya ng agham, matematika, panitikan, sikolohiya at marami pang iba.
disiplina
Kailangang magkaroon ng _______________ dahil sa dami ng mga katawagan o salita (Barayti ng Wika) na ginagamit sa pag-aaral at pagtalakay sa isang tiyak na disiplina.
estandardisasyon
Tumutukoy sa anumang wika na ginagamit para sa pakikipag-usap sa pagitan ng mga taong na mayroong magkaiibang katutubong wika.
Lingua Franca
Ano ang Lingua Franca sa Pilipinas?
Filipino