SIR RAVINA NOTES - komunikasyon at pananaliksik sa wika Flashcards
ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang mga simbolo na pinagkasunduan ng mga tao at patuloy na nagbabago upang magamit sa pagkakaunawaan o pakikipagtastasan ng mga tao
wika
a systemic framework of spoken symbols agreed upon by people and constantly changing to be used in understanding or communication between people
language
may sinusundang mga pattern, balangkas, at sistematikong organisasyon
masistemang wika
pinagkakasunduan ng komunidad ng mga tao na nagsasalita ng wika ang mga pantawag sa wika.
hal: slr or sorry late reply
arbitraryo
patuloy na nadaragdagan ang mga salita, nababawasan o nagbabago ang mga kahulugan
nagbabago o dinamiko
ang lahat ng wika sa daigdig ay may mga simbolong tunog
hal. mga segmental, suprasegmental na nakakabuo ng mga pahayag
tunog o sinasalita
ang wika ay impukan at salamin ng kultura ng mga taong nagsaslita nito
( Hal. Sa Filipino maraming tawag sa produktong bigas/malagkit (suman, bibingka, tupig) dahil kabuhayan ng malaking bahagi ng Pilipinas ang pagtatanim ng palay)
kakabit ng kultura
lahat ng gawaing panlipunan ay nangangailangan ng komunikasyon na gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng wika pwedeng matuto, makamit ang nais, manghikayat at marami pang iba.
makapangyarihan
pangunahing instrument sa pakikipag-ugnayan
komunikasyon
gamit ito sa pagbuo ng mga batas at kasunduang pangkapayapaan
kapayapaan
nagagamit ito sa pagaaral na nagpapaunald sa tao o sa panghihimok sa mga mamumuhunan para sa ekonomikong paglago ng bansa
kaunlaran
naitala ang mga nangyari sa nakaraan sa pamamagitan ng wika
preserbasyon ng kasaysayan
naidodokumento ang kultura ng mga tao sa mga libo, pasalin-dilang pagkukuwento at iba pang paraan gamit ang wika
preserbasyon ng kultura
ang filipino ayon sa tadhana ng konstitusyon ay wikang ***** ng pilipinas. may function ito bilang simbolo ng indentidad o pagkakakilanlan at magagamit sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga tao sa bansa
wikang pambansa
ang filipino ay wikang *** kasama ang ingles ayon sa tadhana ng konstitusyon. ang wikang opisyal ay itinalaga upang gamitin midyum sa mga transakyon ng gobyerno
wikang opisyal
ang filipino kasama ang ingles at mga katutubong wika ay itinatadhana ng mga batas bilang midyum sa pagtuturo ng mga aralin sa sistemang pang edukasyon
wikang panturo
iisang wika ang sinasalita ng tao o ng komunidad
monolinggwal
dalawang wika ang pangunahing ginagamit ng komunidad o sinasalita ng isang tao
billingwal
higit sa dalawang wika ang sinasalita sa komunidad o ang ginagamit ng tao
multilinggwal
ito ang wika na unang natutunan at namaster ng isang tao. ito ay natutunan sa tahanan at narereinfornce ng lipunang kinabibilangan
unang wika
ito ang wika na natutuhan pagkatapos mamaster ng isang tao ang kanyang unang wika. Malawak din na nagagamit ang wikang ito sa lipunang kinabibilangan niya ( Hal. Ingles sa kaso ng mga Pilipino/Pilipinas). Halos singtaas o kasingtaas ng kakayahan sa unang wika upang maituring na ** wika.
pangalawang wika
ito ay isa pang wika na natututuhan ng isang tao kadalasan sa pormal na pag-aaral ng wika na hindi laganap na nagagamit sa lipunang kinabibilangan
Adisyonal na Wika/ Banyagang Wika
Layunin nito na maging bilinggwal sa Filipino at Ingles ang mga Pilipino.
Bilingual Education Policy
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa Filipino at English bilang mga asignatura muka Grade 1 hanggang College. Gagamitin din ang Filipino at Ingles bilang mga midyum ng pagtuturo mula Grade 1 hanggang college.
BEP
Ang mga katutubong wika sa patakarang ito ay auxiliary language o pantulong na wika lamang sa pagtuturo.
BEP
May mga tiyak na asignaturang ititro sa Filipino o sa Ingles.
BEP
Layunin nitong maging multilinggwal ang mga Pilipino sa kanilang katutubong wika, Filipino at Ingles
MTB-MLE
Dito, ituturo ang Mother Tongue mula Kinder-Grade 3. Sa lahat ng asignatura, ang mother tongue o katutubong wika din ang gagamiting midyum ng pagtuturo.
MTB-MLE
Pagdating ng Grade 4 pataas, gagamitin na ang Pilipino at Ingles bilang mga midyum sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura gaya ng sa BEP
MTB-MLE
varayti o varyasyon ito ng wika na nabubuo batay sa lugar o komunidad ng mga taong nagsasalita ng isang wika
Dialect/Diyalekto/Dayalek
varayti o varyasyon ito ng wika na nabubuo batay sa mga salik o fakto panlipunan gaya ng edad, edukasyon, kasarian, propesyon at iba pa. (Halimbawa: baby talk sa Filipino
Sociolect/Sosyolek
ito ay isa ring anyo ng sosyolek na madalas naiuugnay sa mga larangan o propesyon.
Rehistro/Register/Rejister-
ito ang mga espesyalisado at teknikal na mga termino o salita sa isang larangan
Jargon
ito ang anyo o lebel ng pamamaraan sa paggamit ng wika. Halimbawa sa larangang medisina, naa-associate natin ito sa pormal at highly-medical/scientific kapag nag-uuasap ang mga doktor sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.
Estilo