Sinaunang pamayanan Flashcards
Ano ang mga Haligi ng lipunan?
datu, panday, babaylan, at binukot.
Ano ang mga datu?
Sila ay ang mga pinuno ng barangay, kadalasang pinalamatanda at may kapangyarihang pulitikal, militar, at pang-ekonomiya, sila ay nagsagawa ng sanduguan (blood compact), pangangayaw (sea raiding), at pang aasawahan (marriage alliance) para mapalakas ang kanilang sarili o matugunan ang mga krisis.
Ano ang sinisimbolo ng mga bata sa Visayas?
Kapayapaan at pagsasama.
Ano ang mga panday?
Mga eksperto ng teknolohiya at pag-likha ng mga armas pandigma, bangka, palamuti at araro sa pagsasaka.
Bakit hindi napasa ang katutubong kakayahan ng mga Panday?
Sapagkat sila ay naubos.
Ano ang mga babaylan?
Mga babae, binabae, o lalakeng nagdadamit babae,may mga kapangyarihang relihoyoso at spiritwal. Sila ay mga mangangamot tagapagsagawa ng ritwal, makipag-usap sa anito, tagapayo ng mg datu, ethno-astronomer.
Ano ang nangyari sa mga Babaylan?
Sila ay tinarget ng mga Espanyol dahil sa kanilang sariling relihiyosong mga gawain, tinawag na bruja at aswang, ang iba ay namuno sa pag-salsa at namatay, namundok, at nagpanggap na katoliko (tulad ng mga manang sa Quiapo).
Ano ang mga Binukot?
Sila ang mga tagapagtago ng kasaysayan at kultura. Sila ang mga napipiling pinakamagandang dalawa na kadalasang maputi. Sila ay may espesyal na tungkulin na tagpasaulo ng mga episode o pasalitang kasaysayan.
Bakit mapuputi ang mga Binukot?
Sapagkat ang pagkaputi ay inihahalintulad sa purity, divinity, at holy.