SHORT QUIZ Flashcards
Maraming posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na ang panlipunang estruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala sa lingggwistikong estruktura at/o pag-uugali. Halimbawa rito ang ating bansang Pilipinas na may iba-ibang wika na sinasalita dahil sa anyo nito na pulo-pulo.
Panlipunang Estruktura ng Wika
Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malaki man o maliit. Makikilala ang dayalekto sa hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distink na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa estruktura ng pangungusap din ito ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan.
Dayalekto
Ang bawat indibidwal na nag-uusap ay lubos na nagkakaunawaan ngunit wala sa kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ay pagkakaiba sa edad, kasarian, kalagayang pisikal o pangkalusugan, personalidad, lugar na pinanggalingan at marami pang ibang salik. Ang bukod tanging wika ng isang indibidwal ay tinatawag na idyolek.
Idyolek
Ito ay mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang paggawa rin nito sa publiko ayisang taboo. Una, ipinagbabawal ang paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na bukas sa mga mata ng publiko at ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na sa pormal na usapan at domeyn.
Taboo
Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng mga salitang ito. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang tabooo mga salitang hindi masabi dahil malaswa, bastos o masama ang kahulugan o hindi magandang pakinggan.
Yufemismo
Hango sa wikang Aleman naSPRACHGEMEINSCHAFT nanangangahulugang speaking community sa wikang Ingles.
Paliwang nina Zalzman, Stanlaw at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na tuntunin para sa nagsasalita at pagbibigay kahulugan sa wika at kahit isang barayti ng wika ay tinatawag na komunidad ng pagsasalita.
KOMUNIDAD NG PAGSASALITA
(SPEECH COMMUNITY)
Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mgataong may ibat’ibang sinasalitang wika paramagkaunawaan. Mula sa UNESCO, ito ay wikangginagamit ng mga taong may iba-ibang unangwika upang mapadali ang komunikasyon sakanilang pagitan.
Lingua Franca
Ito ay tinatawag sa Ingles na “nobody’s nativelanguage.” o katutubong wikang di pag-aari ninuman
Ang leksyon ng usapan ay hango sa isang wika, at angistruktura naman ay mula sa isa pang wika.Halimbawa: “Suki, ikaw bili tikoy. Sarap, mura.” “Ikawwag upo d’yan. Para di luge.
Pidgin
Ito ay isang wika na unang naging pidgin ngunitkalaunan ay naging likas na wika (nativized.)Halimbawa: Chavacano (Zamboanga) – Hindimasasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ngating katutubong wika sa istruktura nito.
Creole
Ang antropolohiya ay isang agham panlipunanna nakatuon sa pag-aaral ng lahat ng mgaaspeto ng kalikasan ng tao. Galing ito sa salitanganthropos na ang ibig sabihin ay tao at logia naang ibig sabihin ay pag-aaral
Antropolohiya
____________ naman ang tawag sa eksperto o nagaaral sa antropolohiya
Antropolohista o Anthropologist
ang tawag sa pag-aaral ng tao alinsunod sa mga panuntunan at metodo ng agham na may kaugnayan sa pinagmulan ng ebolusyon, ang pisikal na istruktyur, at physiological na proseso ng tao.
Natural Science/Human Biology/Physical
Anthropology
ang makaagham na pag-aaral ng wika.
Ang linggwistika may hangarin ang pagaaral, paglalarawan at paliwanag ng wika na
nauunawaan bilang isang autonomous sign
system.
Linggwistika
ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na
nakagawian ng tao. Kabilang dito angsining,wika,musika
at panatikan. Kasama rin ang
paninirahan,pananamit,kaugalian,tradisyon atmga
mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao.
Kultura
Ang sosyolohiya ng wika ay ang pag aaral ng
uganayan ng lipunan sa wika.
Ayon kay Fishman (1997), patruloy na gumagamit
ang tao ng wika – pasalita, pasulat, at maging
nakalimbag man – at patuloy rin siyang
nakikipaguganayan sa kapwa sa pamamagitan ng
mga ibinahaging mga norm o ugali.
Sosyolohiya ng Wika
Ang Paggamit ng Wika at ang Sosyal na Samahan ng Pag-uugali
I. Ang Paggamit ng Wika (Use of Language) Ang paggamit ng wika ay
itinuturing ding “speech acts.
Mayroong Dalawang Uri ng kahulugan: literal at non-literal.
A. Literal - Ang kahulugan ng salita ay katulad sa kung ano ang sinasabi.
Hal. Pakisara ng pinto, Oteng.
B. Non-Literal- Ang kahulugan ng salita ay magkaiba sa kung ano ang
kanyang sinasabi.
Halimbawa: Oteng, hindi ka ba naiingayan sa mga tao sa labas habang
tayo ay nag-aaral?
II.Sosyal na Samahan ng Pag-uugali (Social Organization ofBehavior)
A. Mga Pamantayan sa Pagsasalita (Standards); LanguagePattern and Style
Kapag ang language pattern at language style ng dalawangnag-uusap ay magkaparehas, mas maganda ang resulta ngkanilang pag-uusap. Maaring mas madali nitongmakumbinsi ang isa sa kaniyang ipinapahayag. magandaang pag-uugali na kanilang tugon, at mas madali angpagkakaintindihan
May iba’t ibang pamamaraan ang bawat lipunan sa pagbuo ng kanilang identipikasyon at pagpili ng kanilang mga kasapi. Isa sa mga kritikal na larangan ay ang wika, sapagkat sa lipunan, wika ang pinakaimportante. Dahil dito nakabatay ang pagkakaisa at ang ugali ng bawat isa.
Identipikasyon, Pagbuo at Pagkabuwag ng isang Grupo o Lipunan
Ito ang grupo o lipunan na iyong pinagbatayan ng iyong mga magiging kagawian.
Reference Group
Si Angelika ay papasok sa Mindanao StateUniversity sa susunod na pasukan. Saiyongpagpasok ay iyong naobserbahan na walagaanong mga karenderya sa loob ngeskwelahan ngunit laganap ang mgapastilan. Wala din masyadong nakaparadana mga sasakyan at naglalakad lamang angmga estudyante, at di gaanong magara angkasuotan ng mga estudyante
I.Referential Membership
Behavior
Ito ang grupo na hindi mo lamang kinabibilangan, bagkus ay sumasang-ayon rin sa iyong mga paniniwala, at pag-uugali. Si Angelika ay nakapasok sa MSU, ang grupo ng mga estudyanteng kaniyangkinabibilangan ay nasisiyahan sa kaniyang mga biro at mga kwentoo. Tanggap nggrupo si Angelika at tanggap din nila ang kaniyang masiyahing personalidad. Itoay dahil sang-ayon sila sa paraan ni Angelika sa paglalahad ng mga kwento atkung anong mga salita ang kaniyang ginagamit.
Membership Reference Group
Ito ang grupo na iyong kinabibilangan, ngunit hindi sumasangayon sa iyong mga paniniwala, at pag-uugali. Nang sumubok si Angelika na pumasok sa grupo nila Oteng, hindi nagustuhan niOteng ang pmamaraan ni Angelika sa kaniyang mga biro. Tila hindi nagustuhan niOteng ang mataas na tono ng pagsasalita ni Angelika, pati na rin ang paggamit nitoang mga bernakulong at mga lintik na salita. Parehas silang grupo ng mgaestudyante ngunit hindi sila sumasang-ayon sa isa’t isa dahil si Oteng aykonserbatibo at mahinhin.
A.Disclimant Reference Groups
Nagsimula sa salitang Latin na “socius” na ang ibig sabihin ay kahalubilo at “logos” na nangangahulugang agham. sa Griyego.
Ayon kay Constantino (2000) sa aklat ni Santos, et al (2010) ang sosyolinggwistika ay pag-aaral sa ideya ng paggamit ng heteregenous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan,interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa.
Ayon naman sa pagtalakay sa dyornal na inilathala ng Shieffield Academysa United Kingdom (2013) ang sosyolinggwistika ay ang pinagsamang pag-aaral ng sosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-uugnay ang wika at ang lipunan.
Ayon naman kay Chambers (1971) ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral ng maka-sosyal na gamit ng wika at ang mga prodatibong pag-aaral sa apat na dekada ng sosyolinggwistikang pananaliksik ay nanggaling sa sosyal na ebalwasyon ng linggwistikong baryant.
Ayon naman kay Saussure (1915), ang teoryang sosyolinggwistik ay teorya nabatay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.
Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, naang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.
Sosyolinggwistika
________________________ ay pamamalagay o assumption na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Ito ay hindi uniform o constant. Ito ay nag–iiba iba at inconsistent sa iba’t–ibang indibidwal at iba pang nagsasalita na gumagamit ng iisang wika.
Teoryang Sosyolinggwistik
tumutukoy sa kakayahang gamitin ang wika nang may naangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
______________ ang wika kung pare – parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito. (Paz, et. al 2003).
Homogenous na wika
____________ na pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
Heyograpikal
________ naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa posisyong sosyal o panlipunan ng bawat grupo.
Sosyal
Mga paraan o barayti ng paggamit ng wika
Rejister
Argot
Balbal
Uri ng Sosyolinggwistika
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Ayon kay Holmes (1992) ang isang ___________ ay naglalayong makatuklas ng teoryang makapagbibigay ng dahilan kung bakit ginagamit ang wika sa isang komunidad, at ang mga pagpipiling ginagawa ng mga tao kapagginagamit nila ang wika.
sosyolinggwista
Ugnayan ng wika at kultura Ang tuon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika. Ito ay isang larangan sa ANTROPOLOHIKONG linggwistika na nag-aaral ng ugnayan sa pagitan
ng wika at kalinangan, at ang
paraan kung paano tinatanaw at dinarama ang mga pangkat etniko sa mundo.
ETNOLINGGWISTIKA
Tumutukoy sa paraan ng buhay ng
isang buong pamayanan, o iyong
lahat ng mga katangian kung bakit
naiiba ang isang pamayanan mula
sa isa pa
ETNOLOHIYA
Nag-aaral sa paraan kung paano naimpluwensiyahan ng persepsyon at konseptuwalisasyon ang wika,
ang pagpapakita kung paano ito may kaugnay sa iba’t ibang mga kultura at mga lipunan.
ETNOLINGGWISTA
Tumutukoy sa pangkat ng mga tao
sa isang bansa na may
magkakaparehong wika, kultura,
at etnisidad.
PANGKAT
ETNOLINGGISTIKO
a. Tonal
b. Stress o Non-Tonal Language
2. ETNISIDAD
a. Uplander
b. Lowlander
MGA BATAYAN SA
PAGPAPANGKAT SA
ASYA
kung saan ang kahulugan ng salita
at pangungusap ay nagbabago
batay sa tono ng pagbigkas nito.
b. Lowlander
Ang pagbabago sa tono ng salita
at pangungusap ay hindi
nagpapabago sa kahulugan
b. Stress o Non-Tonal Language
Sinasabing pangunahing batayan
ang wika sa paghubog ng kultura
ng mga etnolinggwistiko. Ito ang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng
bawat pangkat. Kung nais mong
suriin ang kultura at kasaysayan
ng isang lahi, kinakailangan pagaralan mo ang wika nito.
WIKA
Ang etnisidad ay mistulang
kamag-anakan. Kapag ang isang
tao ay kinilala ng isang pangkat
etnolinggwistiko bilang kasapi
dahil sa pagkakapareho ng
kanilang pinagmulan itinuturing
nila ang isa’t isa bilang malayong
kamag-anakan. Ang pagkakapare-pareho ng wika
at etnisidad ang nagiging batayan
ng pagpapangkat ng tao.
Itinuturing nilang ibang pangkat
etniko ang mga taong kaiba ang
wika, etnisidad at kultura sa
kanila. Ang pagkakaiba ibang ito
ang pangunahing katangian ng
mga Asyano
ETNISIDAD
Tinuring na uplander ang mga
naninirahan sa mataas na lugar o
kabundukan gaya ng Mangyan at
Dumagat sa Pilipinas, Karen at
Hmong sa Thailand
Uplander
Ang naninirahan sa kapatagan at
baybay dagat gaya ng ethnic Lao
ng Lao PDR, Kinh o Viet sa
Vietnan
Lowlander
Ang konteksto ng pagkakaiba-iba ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor ay tinatawag naman na __________.
Sosyolek
______________ naman ay ang wikang iba – iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito at mula sa mga salitang heteros – na nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos – ay nangangahulugang uri o lahi.
Heterogenous na Wika