midterm 121 Flashcards
- Nagmula sa salitang Griyego na “phono” na nangangahulugang tunog o tinig at “logia” o diskurso, teorya o siyentipiko.
- pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), diin (stress), pagbaba at pagtaas ng tinig(pitch)at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)
- pag-aaral ng mga ponema.
ponolohiya o palatunugan
- ito ay hango sa salitang Ingles na “phoneme” na nahahati sa dalawang salitang “phone” (tunog) at “eme” (makubuluhan).
- makabuluhang yunit ng tunog na nakapagbabago ng kahulugan ng isang salita kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita.
ponema
2 uri ng ponema
- Ponemang Segmental
- Ponemang Suprasegmental
Mga ponemang katinig
- Punto ng Artikulasyon
- Paraan ng Artikulasyon
Panlabi
/p, b, m/
Pangngipin
/t, d, n/
Panggilagid
/s, l, r/
Velar (pangngalangala)
/k, g, ŋ/
Glottal
/?, h/
Pasara
/p, t, k, ?, b, d, g/
Pailong
/m, n, ŋ/
Pasutsot
/s, h/
Pagilid
/l/
Pakatal
/r/
Malapatinig
/w, y/
mataas harap
i
gitna harap
e
mababa sentral
a
mataas likod
u
gitna likod
o
Prinsipal na sangkap sa pagsasalita
- Enerhiya
- Artikulador
- Resonador
DAPAT TANDAAN SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA
- Paksa
- Layunin
- Okasyon
- Lugar
- Oras
- Tagapakinig
ANG TAGAPAGSALITA SA HARAP NG MADLA
Nakabatay ang wastong asal sa harap ng madla sa alintuntunin ng empatiya. Kapag tayo’y taimtim na nakikinig sa isang nagsasalita at ang mga paningin natin ay sa kanya nakapako, hindi natin namamalayang gumaganti ng galaw tayo sa inaasal o ikinikilos ng nagsasalita. Kapag siya’y walang kilos, tayoy inaantok, kapag labis ang galaw, tayo nama’y dimapakali. Ang nerbyosong tagapagsalita ay nagkakaroon ng nerbyosong tagapakinig.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGHARAP SA MADLA
- Tindig
- Galaw
- Mukha
- Kumpas
- Kumpas na nakalahad ang kamay
- Kumpas na pasuntokang kamay
- Kumpas na nakataob palad
- Kumpas na may tinuro
- Kumpas na naglalarawan
- Tinig
15 Katinig
/p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ, w, ?/
/?/ - pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin.
/ŋ/ - kumakatawan sa titik na /ng/
5 Patinig
/a, e, i, o, u/
5 URI NG PONEMANG SEGMENTAL
- Ponemang Katinig
- Ponemang Patinig
- Diptonggo
- Klaster
- Pares Minimal
Ang _________ ___________ ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas, at kung may tinig o walang tinig ng pagbigkas sa mga ito.
Ponemang Katinig
Binibigkas ng ating dila na may harap, sentral at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas ng mataas, gitna, at mababa.
Ponemang Patinig
Ito ay ang pagtabi ng isang patinig (a,e,i,o,u) sa isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig
Ponemang patinig /a, e, i, o, u/ + malapatinig /w, y/
Mga ____________ sa Filipino ay:
y - ay, ey, iy, oy, uy
w - aw, ew, iw, ow, uw
diptonggo
- Binubuo ng dalawang (2) magkasunod nakatinig sa isang pantig, maaring makita sa inisyal, midyal, at pinal na pantig ng salita.
Inisyal Midyal drama eskwela rekord blusa biskwit
nars
KLASTER O KAMBAL KATINIG
Ginagamit ito upang makipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig ngunit magkaiba ang ponema at kahulugan.
misa - mesa
oso - uso
iwan – ewan
PARES MINIMAL
Ang ________________ ay isang uri ng ponema na mayroon pang ibang kahulugan ang ibang pananalita hinggil sa diin, tono, at antala nito.
ponemang suprasegmental
ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)
TONO (PITCH)
hinggil ito sa haba ng pagkabigkas ng isang salita. Ginagamitan ng simbolong :\ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin
Halimbawa:
/ba.GA/- tumor
/BA.ga/-lungs
/kai:bigan/-nagmamahalan
/kaibi:gan/- friends
DIIN
APAT (4) NA URI NG DIIN
- Malumay
- Malumi
- Mabilis
- Maragsa
ang saglit na pagtigil sa mga pangungusap o salita, upang mas maunawaan kung ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap.
Halimbawa:
Hindi ako ang salarin! (Hindi siya ang suspek)
Hindi, ako ang salarin! (Siya ang suspek)
ANTALA
Ito ay katulad din ng palatuldikan na ginagamit bilang giya o patnubay kung paano bigkasin ng wasto ang mga salita sa isang wika
Transkripsyon
DALAWANG (2) KLASE NG TRANSKRIPSYON
- Transkripsyong Ponetiko
- Transkripsyong Ponemiko
Sa transkripsyong ito, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring linggwist, makahulugan man o hindi ay kanyang itinatala kaya nga’t sa transkripsyong ito hindi lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko. Sa transkripsyong ponetiko, ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay braket.
Halimbawa:
[ˀa. ˀa.saʰ ]
Ponetikong Transkripsyon
NARITO ANG HALIMRAWA NG TRANSKRIPSYON NG MGA SALITA, PARIRALA AT PANGUNGUSAP SA FILIPINO:
Mga Salita: /malu.may/ , /mabilis/ , /malu.miˀ/, /maragsaˀ/, /ba.ga/ , /bagaˀ/, /ba.ga/ , /baga/, /dala.ga/, /kapisa.nan/, /buηa.ηaˀ/, /malaki/, /bulaklak/, /kaliwaˀ/, /pala.tuntu.nan/, /sa.sa.ma/, /nagda.dalamha.tiˀ/, /magpa.pakamatay/, nagsa.salitaˀ/
MGA PARIRALA AT PANGUNGUSAP
“isang galon” /isaη galon/
“isang salop” /isaη salup/
“isang basket” /isam.ba.sket/
“bagong kain” /ba.guη ka.in/
“bagong ligo” /ba.gun.li.guˀ/
“bagong punas” /ba.gum.pu.nas/
Kapag nagbabasa tayo, nagsisimula tayo sa pagbabasa ng bawat unit ng isang salita. Ito ang ponemiko. Ang ponemiko ay syang nagsasaad ng tunog ng bawat yunit ng mga salita upang mas maintindihan at lubos na maunawaan ang kahulugan ng mga salita. Dapat ang isang mambabasa ay may kaalaman ng tamang ponemiko ng isang salita. Ito rin ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba’t ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita.
HAL
buhay /bu.hay/ “life”
buhay /buhay/ “alive”
aso / ʔa.soh / “dog”
aso / ʔasoh / “smoke”
gabi /ga.bih / “yam” gabi /gabih / “night
PONEMIKO
ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito, upang makabuo ng salita. samakatuwid ang ___________ ay pagaaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema
Morpolohiya
Ang ___________ ay ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang morpema sa payak na kahulugan ay pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
morpema
Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa posisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang pambabae.
”
Samakatuwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:
Doktora - {doktor} at {-a}
Senyora - {senyor} at {-a}
Kargadora - {kargador} at {-a}
Senadora - {senador} at {-a}
Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may isang morpema lamang:
bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}
kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}
Morpemang ponema
Ito ang mga morpemang kinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:
mag-ina - {mag-} at {ina}
maganda - {ma-} at {ganda}
magbasa - {mag-} at {basa}
bumasa - {-um-} at {basa}
Morpemang Panlapi
Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:
tao, silya, payong, pagod, tuwa, pula, liit, taas, basa, laro, aral, kain, at sulat
Morpemang salitang-ugat
MGA URI NG MORPEMA
Morpemang may kahulugang, Pangnilalaman o Morpemang Leksikal
Morpemang may kahulugang, Pangkayarian o Morpemang Pangkayarian
May tiyak na kahulugan at binubuo ng nominal na pangngalan, pandiwa, at mgapanuring na pang-abay at pang-uri.
Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman sapagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakatatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na nangangailangan ng iba pang salita.
May halimbawa tayo dito ng pangungusap
“Magaling sumayaw si Rhaizarl kaya siya ay nanalo sa dance contest. “
- Salitang may kahulugan
- magaling, sumayaw, Rhaizarl, nanalo, siya , dance, contest
Ito ay dahil sa PANGNGALAN, PANG-URI, PANDIWA AT PANG ABAY.
May Morpemang may Kahulugang, Pangnilalaman o Morpemang Leksikal
- Ito ang mga salitang nagsasaad ng pangngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari at marami pang iba.
Halimbawa:
Rhaizarl, dance contest, aso, paaralan.
PANGNGALAN
- ito ay nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng pangungusap ng pangungusap. Ito ay maaaring kilos o galaw ng tao, hayop o bagay.
Halimbawa:
sumasayaw, nanalo, mag-aral, gumuguhit, naglilinis
PANDIWA
ito ay naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Halimbawa:
kahapon, kanina, magaling, doon.
PANG-ABAY
Walang kahulugang taglay hangga’t hindi naisasama sa iba pang morpema; binubuo ng mga pananda at mga pang-ugnay.
Ito ay mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang
gamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Magaling sumayaw si Rhaizarl kaya siya ay nanalo sa dance contest.
Ang mga salitang “si” “kaya” “ay” “sa” ay dahil hindi naman natin mababasa ang halimbawa kung ito lamang ay magaling, sumayaw, Rhaizarl, siya, nanalo, dance, contest . Mapapansin nating kulang ang pahayag kung walang ang mga apat na ito dahil.
Morpemang may Kahulugang, Pangkayarian o Morpemang Pangkayarian
Ito ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.
Halimbawa: na, ng, -ng at, -
PANG-ANGKOP
Ito ay nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
Halimbawa: at, ngunit, dapatwat, subalit, kaya, saka, pati.
PANGATNIG
Ito ay nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap, ito ay maaari ding magturo ng lugar o layon.
Halimbawa: Sa, ukol sa/Kay, hingil sa/kay, ayon sa/kay.
PANG-UKOL
Ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit ng isang salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa: Si, sina, ni, nina ang, ang mga, ay
PANANDA
Tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema ng mga katabing tunog nito. Ang mga panlaping nagtatapos katulad ng SING na maaaring maging SIN o SIM. Ang PANG na maaring PAN o PAM dahil sa impluwensya ng kasunod na katinig.
ASIMILASYON
Dalawang Uri ng Asimilasyon
GANAP
PARSIYAL O DI-GANAP
nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod sa unang titik ng salitang ugat at nananatili lamang ang tunog na /n/ /o/ /m/.
Halimbawa:
pang + baril = pam+baril= pamaril
pang+ takot = pan+ takot= panakot
GANAP
tanging ang pagbabago ay sa pinal na panlaping -ng lamang kapag ikinakabit sa mga salita
Halimbawa
sing + dali =sindali
pang + lasa = panlasa
pang+ paligo = pampaligo
PARSIYAL O DI-GANAP
Ito ay tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita. Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag ang huling ponema unlapi.
Halimbawa:
ma+ dapat= marapat
ma+ dunong= marunong
PAGBABAGONG PONEMA
Pagpapalit ng ponemang /o/ at /u/ - Kapag ang huling patinig ng salita ay /o/ at hinuhulapian ito, madalas na napapalitan ng /u/ ang /o/.
Halimbawa: laro + -in = laruin laro + -an = laruan
Pagpapalit ng ponemang /h/ at /n/
Halimbawa:
tawa + - an = tawanan talo + -an = talunan
pasa + -in = pasanin
Pagpapalit ng ponemang /e/ at /i/ - Kapag inuulit ang pantig na may /e/,napapalitan ang naunang letra na /e/ at nagiging /i/ at may linker (-ng) na ikinabit dito
Halimbawa:
babae + -ng + babae = babaing-babae
Pagpapalit ng ponemang /l/ at /g/
Halimbawa:
halik + an = halikan > hagkan
PAGPAPALIT NG PONEMA
Sa uring ito, nagkakapalit ng posisyon ang ponema tulad ng mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ ay /y/ na ginigitlapian ng -in-. Ang -in- ay nagiging ni-
.
Halimbawa:
-in- + yakap = niyakap (PAALALA: iba ang yakap+ -in = yakapin)
May mga salita ring bukod sa pagpapalit ng posisyon ng ponema ay may mga ponemang nakakaltas:
Halimbawa:
tanim + -an = taniman > tamnan
atip + -an = atipan > aptan
METATESIS
Kapag may natanggal o nawawalang ponema sa salita na maaring nasa unahan, sa gitna, at sa hulihan ng salita.
Halimbawa:
magpa+tahi = magpatahi >patahi
PAGKAKALTAS NG PONEMA
May mga salitang nagbabago ng diin kapag ito’y nilalapian. Maaaring malipat ang isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ang pantig patungong unahan ng salita.
Halimbawa:
larò + -an = laruán
bása + -in = basáhin
ka- + sáma + -an = kasamahán
nákaw + -in = nakáwin
PAGLILIPAT DIIN
Ang pag-uulit ng isang salita ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos, o nagsasaad ng pagpaparami.
Halimbawa:
matataas
pupunta
aalis
araw-araw
ilan-ilan
REDUPLIKASYON
Pagdaragdag ng isa pang hulapi gayong mayroon ng hulaping inilagay sa salitang-ugat. Ang idinaragdag na hulapi ay maaaring -in o -an.
Halimbawa:
paalala + -an = paalalahan + -an = paalalahanan
alaala + -an = alaalahan = alalahan + -in = alalahanin
PAGSUSUDLONG O PAGDARAGDAG
Pagsasama ng dalawang salita at nagpapahayag ng kabuuang diwa ng dalawang salita. May pagkakaltas na kasama rito.
Halimbawa:
ayaw + ko = ayoko
hintay + ka = teka
tingnan + mo = tamo
PAG-AANGKOP AT PAG-IISA NG DALAWANG SALITA
Ang morpema, sa payak na kahulugan , ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisisra ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi.
Ang pagbabago ng form o anyo ng alin man sa morfim na pinagkakabitkabit ang tinatawag na pagbabagong morfofonimik. Sa Tagalog, nagkakaroon ng pagbabago sa neysal /ŋ/ ang morfim /paŋ-/ sa asimilasyon ng unang tunog ng kinakabitang stem.
Halimbawa:
pambahay, panlibing, panggastos
May regresiv-asimilasyon ang neysal sa baylebyal /b/ ng bahay kaya nagiging (pam) at sa alvyolar /l/ ng libing, kaya nagiging (pan). Dahil sa parehong velar ang /g/ at / ŋ / walang asimilasyon sa /paŋgastos/. Pansinin ang mga pangyayari sa /pa ŋ -/ sa mga salitang panali, panakip, panukli at panuklay. Sa pantali at pantakip nagasimileyt ang / ŋ / ng /paŋ / sa /t/ ng tali at takip at nagkaroon ng resiprokal – asimilasyon dahil sa asimileyt naman ang /t/ sa /n/ kaya/ pannali/ at /pannakip/ , pero bukod dito nagkaron ng kompletong asimilasyon kaya naging isa dalawang magkasunod na parehong tunog *-nn- na nagreresulta sa panali at panakip.
RELASYON NG MORPEMA AT SINTAKS: MORPOSINTAKSIS
Tumutukoy ang prosesong ito sa paggamit ng panlapi upang makabuo ng mga bagong salita . Sa Filipino, maaaring maglapi sa limang paraan tulad ng : a. paguunlapi o pagkakabit ng panlapi sa unahan ng salita, b. paggitlapi o pagkakabit ng panlapi sa gitna ng salita, c. paghuhulapi o pagkakabit ng panlapi sa hulihan ng salita, d. panlaping kabilaan o paglalagay ng panlapi sa unahan at hulihan ng salita, at e. paglalaping laguhan o paglalagay ng panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
a. Pag-uunlapi
b. Paggigitlapi
c. Paghuhulapi
d. Paglalaping kabilaan
e. Paglalaping Laguhan
Paglalapi
Tumutukoy ang prosesong ito sa pag-uulit sa salita o bahagi ng salita. Kung inuulit lamang ang bahagi ng salita na karaniwang ang unang pantig nito, tinatawag itong pag-uulit na diganap. Tinatawag naman na pag-uulit na ganap kung ang buong salita ay inuulit upang makabuo ng bagong salita, at haluang pag-uulit kung ang buong salita at bahagi nito ay inuulit.
a. Pag-uulit na Di- Ganap
b. Pag-uulit na Ganap
c. Haluang Pag-uulit
Pag-uulit