Sektor ng Paglilingkod Flashcards
ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya. Sila ay may malaking bahaging ginagampanan ng industriya. Ang lupa at kapital bilang salik ng produksiyon ay hindi malilinang kung walang manggagawa. Sila ang buhay at sandigan ng pag-unlad ng industriya.
Ang manggagawa
Kabilang sa blue collar job kung saan mas mahigit nilang ginagamit ang lakas pisikal at enerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo,
Mangagawang Pisikal
Kabilang sa white collar job kung saan mas ginagamit nila ang mental na kapasidad at kaisipan.
Mangagawang mental
kabayaran ayon sa oras ng pagtatrabaho, piraso o pakyawang produkto, kontrata, arawan, o lingguhan na kinukuwenta sa pamamagitan ng paggamit ng wage rate.
sahod
halagang binabayad para sa isang tiyak na oras ng paggawa, kadalasan kada oras.
wage rate
Ito ay tinatawag na money wage na tumutukoy sa halaga na tinatanggap na kabayaran.
nominal wage
Ito ay tumutukoy sa halaga ng produkto at serbisyo na mabibili mula sa kitang tinatanggap.
real wage
real wage formula
Real Wage = Nominal Wage/CPI x 100
Isa sa mabigat na problema na kinakaharap ng mga manggagawa ay ang. Ito ay tungkol sa pagtanggap ng mga manggagawa na temporary na may mababang sahod at kaunting benepisyo.
contractualization at outsourcing
Isang organisasyon na tumatangkilik at nagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa, at nakikipaglaban sa mga karapatan ng mga manggagawa.
unyon ng mga manggagawa
MGA LAYUNIN NG UNYON NG MGA MANGGAGAWA
● Pagkalooban ng suporta ang mga kasapi.
● Tamang oras ng paggawa at malinis na pasilidad.
● Magkaroon ng makatarungang sahod at ibang benepisyo.
Ang Batas Republika Blg . 679 ay nagsasaad na dapat pagkalooban ng maternity leave ang mga maggagawang babae na magsisilang ng sanggol at may tatanggapin ding sahod.
maternity leave
Ang Batas Republika Blg. 772 ay nagsasaad na ang sinumang manggagawa na magkakaroon ng kapansanan, sakit, at pinsala sanhi ng kanyang gawaim sa kompanya ay kailangang panagutan at bayaran ng kaniyang pinagtatrabahuhan.
workmen’s compensation
Ang Batas Republika Blg. 1131 ang nagbabawal sa pag-eempleyo ng mga bata at babae na wala pang 18 taong gulang sa mga industriyang makapipinsala at mapanganib para sa kanilang katayuan.
pageempleuyo ng mga babae at bata
Ang Batas Republika Blg. 1052 ay nagsaad na ang pagtanggal sa trabaho ng isang manggagawa nang walang sapat na dahilan ay illegal, kaya nararapat siyang bayaran ng pangasiwaan.
termination pay leave
Ang Batas Republika Blg. 8187 ang nagtadhana na ang bawat ama ng tahanan na naghahanapbuhay ay pinagkakalooban ng pitong araw ng paternity leave na may tatanggaping sahod sa sandaling ang kanilang asawa ay magsilang ng sanggol.
paternity leave
Ang Batas Republika Blg. 1933 ay nagsasaad na ang mga manggagawa ay dapat lamang magtrabaho nang hindi higit sa walong oras sa bawat araw.
● Walong Oras na Paggawa