Agrikultura Flashcards
ay isang agham at sining na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula sa likas na yaman.
Agrikultura
ay isang agham tungkol sa
paghahalaman, pagtotroso o pangangahoy, at pag-aalaga ng hayop.
Agrikultura
maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
paghahalaman
binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ito ay nakatutulong sa pag-supply/pagtustos ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ito ay gawaing pangkabuhayan kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
paghahayupan
- itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagapagtustos ng isda sa buong mundo. Samantala, ito ay nauuri sa tatlo: komersyal, munisipal, at aquaculture.
pangingisda
ang pangingisda ay nauuri sa tatlo:
komersyal, munisipal, at aquaculture.
uri ng pangingisda na gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Ang sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
komersyal
uri ng pangingisda na nangyayari sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing-vessel.
munisipal
tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t-ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat- alat) at marine (maalat). Bahagi rin ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.
aquaculture
isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, veneer, tabla, at troso.
pangugubat
kahalagahan ng agrikultura
- pangunahing pinagmumulan ng pagkain
- pinagkukunan na materyal upang makabuo ng bagong produkto
- pinagkukunan na kitang panlabas
- nagbibigay trabaho sa mga pilipino
- pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor ng agrikultura patungo sa sektor ng industriya at paglilingkod
Ang titulo ng lupa ay ipinatalang lahat noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano na tinatawag na sistemang Torrens.
1902 LAND REGISTRATION ACT
Nagbibigay-daan sa pamimigay ng mga lupang publiko sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 na ektarya.
1903 PUBLIC LAND ACT -
Itinatag ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) upang mamahagi ng lupain sa mga rebelde na nagbalik–loob sa pamahalaan at mga pamilyang walang lupa.
BATAS REPUBLIKA BILANG 1169
Sumasaklaw ito sa proteksiyon laban sa pang–aabuso, pagsasamantala at pandaraya ng mga may–ari ng lupa sa mga manggagawa.
BATAS REPUBLIKA BILANG 1190