sanaysay Flashcards
Isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.
pangungusap
Ito ay nagpapahayag ng sariling kuro-kuro o pananaw hinggil sa isang bagay o pangyayari.
opinyon
Isinusulat nang tuluyan at may magkakaugnay na mga pangungusap na tumatalakay sa iisang ideya o paksa.
talata
Simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika. Karaniwan itong inilalagay sa dulo ng pangungusap.
bantas
Ito ay tumatalakay sa paksa o pangunahing kaisipan sa talata. Maaaring matagpuan sa unahan, gitna, o wakas ng talata.
paksang pangungusap
Ito ay isang pasulat na paglalahad na tumatalakay sa isang paksa na karaniwang nagpapahayag ng opinyon, saloobin at pananaw ng isang manunulat. Isinusulat ito sa anyong tuluyan.
sanaysay
Ano ang mga halimbawa ng sanaysay?
artikulo, editoryal, at lathalain
Ano ang mga halimbawa ng sanaysay na akdang pandalubhasaan?
tesis, disertasyon, mga panunuring pampanitikan, at mga akdang pampananaliksik
Ano ang mga katangian ng sanaysay?
may makabuluhang paksa, may iisang paksa na tinatalakay, at may makatawag-pansing pamamaraan sa paglalahad ng simula, gitna, at wakas
Ano ang mga bahagi ng sanaysay?
panimula, gitna o katawan, at wakas
Ano ang panimula ng sanaysay?
inilalahad ito ang pangunahing kaisipan na tatalakayin
Ano ang mga paraan panimula maaaring gamitin?
tanong, salaysay, kasabihan, at pagbibigay-kahulugan
Ano ang gitna or katawan ng sanaysay?
itong bahagi ng sanaysay ay pinalalawak ang pangunahing kaisipan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kaugnay na kaisipan
Paano nakakatulong sa sanaysay ang gitna o katawan?
nabibigyan ng patunay o suporta ang kaisipang inilahad
Ano ang wakas ng sanaysay?
nakapaloob sa bahaging ito ang pangkalahatang palagay, pasya, o paninindigan sa paksa batay sa mga katibayang inisa-isa sa gitna o katawan ng akda