nobela Flashcards
Ano ang nobela?
isang anyo ng panitikan na nagbibigay-daan sa mga manunulat na gamitin ang kanilang mga imahinasyon at talento upang lumikha ng mga komprehensibong akda
Ano ang maaraming maging salamin ang nobela?
maaaring maging salamin ng lipunan, ng kultura, o ng mga personal na karanasan.
Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas
nobela
Ano ang pinakapangunahing sangkap ng nobela?
ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
Ang sanaysay ay may maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Paano ito nakakatulong sa nobela?
ang mga pangyayaring ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela
Ano ang tawag sa taong nagsusulat ng mga nobela?
nobelista
Kailan nagsimula ang nobela sa Pilipinas?
Panahon ng Kastila
Ano ang mga tema sa panahon ng kastila?
relihiyon, kabutihang asal, nasyonalismo, at pagbabago
Ano ang mga layunin ng nobela?
- gumising sa diwa at damdamin
- manawagan sa talino ng guni-guni
- mapukaw ang damdamin ng mambabasa
- magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
- magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
- magbigay ng inspirasyon sa mambabasa
- mapukaw ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Ano ang uri ng nobela sa panahon ng kastila?
nobelang panrelihiyon at mapanghimagsik
Ano ang nobelang panrelihiyon?
nagbibigay-diin sa kabutihang asal
Ano ang nobelang mapanghimagsik?
nagbibigay-diin sa pagbabago, reporma, at diwang nasyonalismo
Doctrina Christiana, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at Urbana at Feliza ay sa aling panahon?
panahon ng kastila
Ano-ano ang tatlong panahon sa panahon ng amerikano?
Panahon ng Aklatang Bayan (1900-1921)
Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934)
Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934-1942)
Anong nangyari sa panahon ng aklatang bayan?
- naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay-lalawigan at mga karanasan.
- inilalathala sa mga pahayagan ang nobela nang payugto-yugto o hinahati sa mga kabanata