Retorika midterm Flashcards
maikling pangungusap na naglalaman ng aral o payo sa buhay; karaniwang nagpapakita ng kaalaman at karanasan ng ating mga ninuno
Salawikain
galing sa salitang tagalog na ang ibig sabihin ay pananalita o kasabihan
sawikain
figure of speech; salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin; ginagamit na talinghaga o di-karaniwang salita
tayutay
di tiyak na paghahambing ng 2 magkaibang tao, bagay, o pangyayari
pagtutulad o simili
tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi na kailangang gamitan ng pangatnig sa pangungusap
pagwawangis o metapora
ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang pantao at bigyang buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
personipikasyon
isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao
pagtawag
pag-uulit ng unang titik o unang pantig sa inisyal na bahagi ng salita
aliterasyon
pag-uulit ng isang salita na nasa unahan ng isang pahayag
anapora
pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o sugnay
anadiplosis
pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng sunod-sunod na taludtod
epipora
pag-uulit nang pabaliktad ng mga pahayag
empanodos o pabalik na pag-uulit
paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip at tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan
katapora
maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung iyong susuriin
pagmamalabis o hayperbol
paggamit ng mga salita kung saan ang tunog o himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito
paghihimig o onomatopeya