RETORIKA Flashcards
Masining na pagpapahayag na ginagamitan ng maayos, malinaw, mabisa, at kaakit-akit na pananalita upang makahikayat ng mga tagapakinig at mambabasa
RETORIKA
Dalawang uri ng pagpapahayag
*Pagpapahayag na pasulat
*Pagpapahayag na pasalita.
Dalawang kawastuhan ang kinakailangan sa pagpapahayag
*kawastuang panretorika
*kawastuang panggramatika
Tumutukoy sa wastong paggamit ng salita, bantas, bahagi ng pananalita, parirala, sugnay, at pangungusap.
Wastong Gramatika
Dalawang Sangkap ng Pagpapahayag
*Nilalaman
*Pananalita
Maaring pagkunan ng nilalaman
*Karanasan
*pakikipanayam
*Pagbabasa
May kasabihang pinakamagaling na guro ang karanasan sapagkat walang taong nabubuhay mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda na hindi dumanas ng mga karanasan sa buhay
KARANASAN
Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng paglapit at pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan
PAKIKIPANAYAM
Maraming maidaragdag na kaalaman ang pagbabasa. Maaaring makatipon ng maraming kabatiran tungkol sa mga karanasan ng iba sa pamamagitan ng pagbabasa.
PAGBABASA
Ipinapalagay na may kalinawan ang isang pahayag kung ito’y madaling maunawaan.
KALINAWAN
May tatlong bagay na makakatulong upang madaling maunawaan ang isang pahayag
*Gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi napagkamalan.
*Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay (panggramatika at pangretorika)
*Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at wasto ang baybay kung kung pasulat.
-Ipinapalagay na mabigat ang isang pahayag kung may mga sumusunod na katangian:
*Makatotohanan at ito’y di matutuklasang may kasinungalingan pagkalipas ng ilang panahon. May mga pahayag na waring totoo kaya’t madaling paniwalaan ngunit sa dakong huli ay matutuklasang walang batayang katotohanan. Hindi dapat na gamitan ng pagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag.
*Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may awtoridad sa paksa. Kinakikitaan ng katapatan na tanda ng pagiging marangal.
*Binibigyang ng matapat na pagpapahalaga ang karanasan at pananampalataya ng tao. Dapat pahalagahan ang dignidad ng isang tao.
KAPAMIGATAN
-May Kagandahan ang pananalita kung may mga sumusunod:
*Kaakit-akit na pagtutugma ng mga kahulugang ipinahahayag at tunog ng mga salita.
*Wastong bigkas ng mga salita.
*Matalinghaga ang diwang ipinahahayag.
*Kalugod-lugod na pagsasama-sama ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap na nagdudulot ng pananabik sa nakikinig o bumabasa.
*Paggamit ng salitang makahulugan, malarawan at maharaya
KAGANDAHAN
Ang Pamana
AUREA M. LIGAYA
Bantayog
RENATO GARCIA SAUCO