QUIZ 1.1 Flashcards
Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito
Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isaang mahusay na sulatin.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
___ Ang manunulat sa pagsusuri at pagpapaliwanag o pangngatwiran. May batayan sa datos ay may kinikilingan
Obhetibo
__ na pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pngangatwiran
Lohikal
kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan,
naranasan, at nasaksihan.
Descriptibo
kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Naratibo
kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Ekspresibo
kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Impormatibo
5 Pamamaraan ng pagsulat
Ekspresibo
Argumentatibo
Deskriptibo
Impormatibo
Naratibo
ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na
matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat
nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng
mga mambabasa.
Layunin
tiyak na tema, Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan
ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin
Paksa
magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kasipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon, o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
Wika
kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
argumentatibo
Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapliwanag o pangangatwiran. Higit sa lahat, kailangan maging obhetibo siya sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.
kasanayang pampag-iisip
Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
BIONOTE