QUIZ 1 Flashcards
ay isa sa mga macrong kasanayanng dapat mahubog sa mga mag-aaral
Pagsusulat
Ayon kay ___ ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming na ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe, ang wika.
Cecilia Austera, et al., Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009)
isang intelektwal na pagsulat. Makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon.
Sulating Akademik
Ang pagsulat ay isang ____ proseso
sosyo-kognitibong
nararapat lamang na ang presentasyon ng mga ideya ay:
- sapat
- kumpleto
- totoo
- makabuluhan
- malinaw
Mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat:
- Objetibo
- Pormal
- Maliwanang at Organisado
- May paninindigan
- May pananagutan
Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. lwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon. May Batayan
Obhetibo
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din. Istandard
Pormal
Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod, sistematiko at pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa.
Maliwanang at organisado
ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.
May paninindigan
Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala sa datos. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian.
May pananagutan
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa wikang europeo (Pranses) at medieval (Latin) ____ noong gitnang bahagi ng ika-16 siglo
Academique, academicus
Ang akademiko ay tumutukoy ito o may kaugnayan sa:
- Edukasyon
- Iskolarship
- Institusyon
- Larangan ng pagaaral na nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal na gawain
Tinatawag na ____ ______ _____ ______ ang mga kurso sa kolehiyo
akademik, akademiko, akademiks, o akademikong disiplina
Napapaunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan ng (macrong kasanayan):
- Kasanayan sa pakikinig
- Kasanayan sa pagsasalita
3.Kasanayan sa pagbasa
4.Kasanayan sa pagsulat
5.Kasanayan sa panonood