Q4: Bionote Flashcards
Ito ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyunal.
bionote
Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay, pag-aaral, pagsasanay ng may akda.
bionote
Maituturing ang bionote na isang uri ng lagom sa pagsulat ng ____________ ng isang tao
personal profile
Halos katulad ng bionote ang ____________________, mas maikli lamang ito at may sapat o bilang ng salita na isang paglalagom.
autobiography o kathambuhay
Ayon kina ____________ , ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na kadalasan ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.
Duenas at Sanz (2012)
Karaniwang gamit ng bionote
- biodata
- resume
- social networking sites
- digital communication sites
- artikulo
Dalawang Katangian ng Bionote/Tala ng may-akda
- Maikling tala ng may-akda
- Mahabang tala ng may-akda
Tala ng may-akda na ginagamit para sa journal at antolohiya. Maikli ngunit siksik sa impormasyon.
maikling tala ng may-akda
Mahabang prosa ng isang Curriculum Vitae at karaniwan ito ay naka dobleng espasyo.
mahabang tala ng may-akda
Istruktura ng bionote
Baliktad na tatsulok
1. pinakamahalagang impormasyon
2. mahalagang impormasyon
3. di gaanong mahalagang impormasyon