Q3: Kahulugan ng Akademikong Pagsulat Flashcards
Ito ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
pagsusulat
Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
pagsusulat
Ayon sa kanya, ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
Edwin Mabilin et al. (2012)
Ayon sakanya, ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
Mabilin
Ito ay iang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan.
akademikong pagsulat
layunin sa pagsasagawa ng pagsulat
- personal o ekspresibo
- panlipunan o pansosyal
Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
wika
Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin.
paksa
Ito ang ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.
layunin
Limang Pamaraan ng Pagsulat
- paraang impormatibo
- paraang ekspresibo
- paraang naratibo
- paraang deskriptibo
- paraang argumentatibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Paraang Impormatibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Paraang Ekspresibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pamaraang Naratibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Pamaraang Deskriptibo
Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Pamaraang Argumentatibo